About Me

My photo
student and at the same time eh service crew sa isang fastfood. naiinip minsan sa buhay pero enjoy pa rin gagawin ang gustong gawin para maging masaya. sira ulo pero minsan lang.

Monday, August 17, 2009

GLOBAL WARMING



Ang arikulong ito ay tumatalakay sa masusi at mabusising pag-aaral ng mga siyentipiko. Sa pakikipagtulungan ng National Geographic, Discovery Channel, NASA, at ng Trust Quality Condom.

Palala na ng palala ang mga problemang nag-uugat sa Global warming o ang unti unting pagtaas ng temperature sa mundo. Ayon sa mga pag-aaral ay natuklasan nila na ang di tamang pagdispose at paggamit ng mga condom ay isa sa mga contributor sa mas marami pang sanhi ng global warming.

Ayon sa pananaliksik na pinangunahan ni Dr. Santiago Santiago ng France, ang condom daw di umano ay naglalabas ng mga greenhouse gases na kasing dami ng greenhouse gases na inire release na katumbas ng 50 kotse, kung hindi ito naitapon ng tama. Kaya he suggested na ang mga condom ay ipakain sa mga tupa upang ito ay mapakinabangan.

Ang suhestiyong iyon ay umani ng mga papuri at parangal mula sa iba’t ibang bansa ksama na ang iba’t ibang mga medical institutions sa mundo. “The research conducted by Dr. Santiago was a magnificent idea! Who in the world would think of that! I really commend him for his bright and intelligent research.Good job!” ( Sa Tagalog: ang pananaliksik na ginawa ng pesteng doctor Santiago nay an ay kahiyahiya! Sinong tanga ba sa mundo ang makakaisip ng ganyang mga ideya! Papatayin ko siya sa isang bobo at napakawalang kwentang pag-aaral. Buwisit!) Ayon sa isang doctor sa Germany. Dahil din sa pag-aaral na ito ay tinanghal ng Time Magazine si Dr. Santiago bilang Man of the Year kasabay nito ang parangal mula sa Forbes Magazine bilang Best Greatest Doctor Alive. Pinag-aaralan din sa Vatican ang pagiging santo niya at sa pananaliksik din na ito ay nagbukas ang pinto sa pagkakadiskubre ng mga gamut sa AIDS, cancer at amnesia.

Ang doctor ay sinaluduhan di lamang ng mga kapwa katrabaho ngunit gayundin ng mga mamamayan sa mundo.

“…my greatest legacy is to heal the world and make it a better place for you and for me and the entire human race…” Isang linya sa talumpati ni Dr. Santiago Santiago sa Poland.

Si Dr. Santiago ngayon ay abala sa paglibot sa bawat panig ng mundo upang magbigay ng mga inspirational na mga pananalita. Sa pagdalaw nito sa Pilipinas kamakailan lang ay nagkaroon pa ito ng recording album na agad ay nagging triple platinum. Dalawang sold-out na concerts sa Araneta at Aliw Theater. Nagkaroon din ng soap kung saan phenomenal ang ratings, kinalaunan ay naitambal kay Marian Rivera upang gumawa ng pelikula na nagging All-Time Philippine Box-Office Hit na kinabog ang ticket sales ng Transformers at You Change My Life. Sa pagtagal ay namatay na si Dr. Santiago dahil sa sobrang kalasingan. Dinala ang mga labi nito sa bayan ng Mariae sa France at bilang paggalang sa natuklasan, ang bangkay nito ay ipinakain sa mga tupa.

Napag-uusapan Lang Naman

PAALALA: Ang susunod na artikulo ay handog ng may-akda sa bawat Filipino, kasabay ng paggunita ng Buwan ng Wika.

This article is highly recommended by MTRCB, Optical Media Board, and Cinema Evaluation Board. Anak TV Seal Awardee for providing moral, educational, and spiritual values to youth and young people.

Titi, kiki, burat, pekpek, suso, sex, iyutan, masturbation, bulbol at kung ano ano pa. bakit nga ba nahihiya tayo na sambitin yun. At madalas ay madalang mapag-usapan. (sino ba naman kasi yung interesadong pag usapan yun at ano naman yung topic kung saka sakali dib a? at ano naman yung issue bout that.)

Bakit kaya kailangan syang i-bleep sa tv pag nabannggit yun o tayo. Bakit kailangang hotdog, itlog (hard boiled or scrambled?), o flower ang kailangan sabihin samantalang hindi naman yun hotdog talaga o bulaklak.

Conservative lang talaga siguro ang mga tao sa Pilipinas. Pero ganun talaga eh. Sabi pa nya at nakita ko rin na yung mga salita na yun ay nasa dictionary. Wala siyang pagkakaiba sa mga salitang vagina, penis, at pubic hair. Kaya wag tayong mahihiya na banggitin yun kahit ilang ulit na gusto natin. Okey!? Kaya mula ngayon ay lagi na natin syang gagamitin sa ating mga pananalita.

Ayon sa SWP o Surian ng Wikang Pambansa na itinatag ni Quezon noong taong 1935, ang mga salitang iyon ay akma lamang na gamitin ng bawat mamamayan ng Pilipinas. Nagpasa naman sa pamamagitan ni Rep. Conrad Francisco ng isang panukalang batas na naglalayong sanayin ang mga mag-aaral ng elementarya at sekondarya sa pagbigkas ng mga salitang titi, kiki, puke at bulbol. Sinangayunan naman ito ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso, Ang Senado SA PAMAMAGITAN NG Senate Bill No. 69 na isama ang mga naturang salita sa mga pampublikong aklat sa bansa, sa Parts of the Body, Panunumpa sa Watawat at sa Abakada upang masubaybayan ng mga magulang at mga guro ang tama at maluwalhating pagbigkas at pagbaybay ng mga bata ang mga naturang salita. Isang Executive Order naman ang pipirmahan ng Pangulo kaugnay nito.

Ang batas ay naglalayon lamang na huwag natin ikahiya ang wikang itinaguyod at ipinaglaban ng ating mahal na Pangulong Manuel L. Quezon, ang Wikang Filipino.

Take Note: walang moralista o sino mang miyembro ng simbahan ang tumutol sa naturang akda.

ANG CELLPHONE…

Mas maliit, mas okey.
Mas makulay, mas okey.
May camera, mas okey.
May video, mas okey.
May sex scandals, okey na okey!!

Ang cellphone, bow!!

CP INvasion!!!

Zero to nine na numbers, isang asterisk at # sign may speaker at antenna. May kalendaryo, calculator, organizer, radio, tv, orasan, camera, video, laruan, nasa cellphone na ata lahat lahat ref na lang ang kulang.

First year high school ako ng unang sumagi at nanuot sa kamalayan ko ang tungkol sa cellphone. Ito yung teleponong pwedeng dalhin kahit saan, malayo sa imbensyon nuon ni Alexander Graham Bell. Wala pang usong model nuon kasi basta may cellphone ka lang ok na.

Madalas kami sa Sunshine Mall noon kasi doon may nagbebenta ng cellphone. Sa school iilan pa lang yung meron nun at 3310 pa yung kumbaga eh pinakasikat ng mga oras nay un, second sa ranking 3210 yung kung idescribe eh mas malaki kaysa sa 3310 susunod sa linya ang mga cellphone na may mga antenna tulad ng Motorola, Sony Ericsson, Samsung at kung ano anu pang hindi Nokia.

June 2001, nagkaroon kami ng cellphone!!! Wohooo.. feeling naming makakalevel na kami hehe. Natatandaan ko pa galling ako sa meeting ng SSC sa school at yun nga may kinakalikot na yung kapatid ko at yun nga cellphone. Parang sobrang excited na hindi maintindihan ang pakiramdam! Motorola yun, P2999 ang bili ni Mama, pantawag daw naming kay Papa sa abroad.

SIM Card

P600 pa ang sim na Globe P500 ang smart at yung nabili ni Mama ay yung tig P300 lang, Talk n Text. Grabe noh kaya siguro mas marami yung Smart up to now kasi can’t afford ang Globe. Naman at kung titignan mo ang presyo ng sim card ngayon, papatay ka ng aso sa sama ng loob.hehe Mababa pa kasi siguro yung demand nun kaya ang tayog ng lipad ng pangarap. Buhay pa ang sim card nay un up to now grabe.

FIRST TEXTS

Si Cassandra ang kauna unahan kong katext nun kasi sa klase naming sya pa lang yung talagang meron ng sariling cellphone. 3310, madalas nga naming hiramin para maglaro ng Snake, ang pambansang laro sa Pilipinas nung taon nay un sumunod ang Space Impact at Bantumi. Tinawagan ko siya sa telepono para itanong ang number nya, naks naman dib a.hehe For the record sya ang kauna unahan kong naitext.

TEXTM8Ts

Nahihiya pa ako sa cellphone naming nun kasi pag hindi Nokia hindi ka in kaya pag tinatanong ako kung ano yung cellphone naming ay hindi ako sumasagot. I have my right to privacy.hehe Narinig ko pa sa katabi ko na yung mga mga cellphone daw sa kanila pinaglalaruan lang ng mga bata sa bahay, ayos dib a anak ni ayala.haha

Ano nga ba ang kahulugan ng textmates. Hindi ko pa siguro talaga maabsorb nun kung ano basata ang definition ko lang nun pag tinatanong ko kung pwede makipagtextmate ay kung pwede kitang irext di ko naman alam na iyun yung maya,t maya ay magtetext ka sa kanya. Eh ang mahal pa naman ng text noon, yung simpleng “hi” mo lang piso na ang halaga unlike ngayon na wala na siyang halaga.

INCOMPATIBLE MESSAGE FORMAT yan yung madalas na text sa akin ni Cassandra. Di ko alam kung ano,then later on ay napag alaman ko na picture messages pala yun. Sobrang dami, di kasi nakakareceive ng mga pic msgs ang cellphone naming kasi 2-lined lang siya. Ang mahal pa naman ng send ng picture message noon P15 pesos para sa cute na picture ni Hello Kitty.

LOAD

Ang pinakamurang load nun ay P300 naka card pa nga eh na kinikiskis, nagkaroon ng PureTxt at yan saka naimbento yung mga electronic loads. At buhat noon ay hindi na ako nakahawak ng card na tig P300. nakakamiss din pero okey lang hehe.

NOKIANG PINAKAMAMAHAL

Dalawang taon din akong naghintay laganap na ang cellphone virus sa buong Pilipinas. Dumami ang cellphone repair shop, tindahan ng mga second hand na cellphones. Dumating si Papa noong 2003, bakasyon at mag third year college na ako. Nagkaroon ako ng sariling cellphone!! As in akin na yung pwede ko ng dalhin kahit saan at pwede na akong magtext kahit kanino. Bumili kami ni Mama sa may palengke, second hand sya. Syempre gusto ko Nokia para makapaglaro na ako ng Snake sa bahay at mag compose ng ringtones. Pinagpilian naming between 3310 and 3210, mas mura ang 32 kaya duon ako nauwi pumayag na rin ako dahil di pa naman ganoon kababa ang pagtingin ko sa model ng cellphone nay un.

Pinilit pa naming itago kasi nga ayaw ni Papa pero hndi rin naman nagtagal eh ayun nabunyag din ang katotohanan. 3315 na yung pinakasikat na model noon at hindi pa anamn ako nahihiya na ilabas yun in public dahil may mga kauri pa naman ako. Haha sa klase ay iilan na lang yung wala nun,hehe.

Yun na yung cellphone ko nung nauso ang unlimited text at grabe luging lugi ako dahil one by one ko syang isesend unlike sa iba na may send to many at send to groups. Di ko naman ininda dahil enjoy ako. Grabe nun lang nagkaroon ng kahulugan ang salitang cellphone. Ang saitang “unli” muntik ng masama sa Dictionary. Pag di ka unli parang feeling mo patay ka na.

UNLI B U?

Kakaiba ang bawat umaga ko ng nagsimula ang unli, doon lang nag ’54 messages received’ ang cellphone ko dahil sa mga naipong texts nung gabi. Isa isa mo ngayong babasahin at rereplyan at yun duon na ulit tatakbo ang buong magdamag ko. Sagabal pag lobat. Parang feeling ko may taning na ang buhay ko sa araw ng expiration ng unli ko. Natuto rin ankong magpuyat dahil doon, sisusulit ang bawat Segundo para magtext.

UNLI Mania!!!

Maraming nauso dahil sa unli. Nauso ang clan, di sila magkakamag-anak feeling lang nila. Mga pesteng chain messages, mga mensahe sa mga santo, lucky bees, gold coins, mga sumpa at mga kababalaghan na kung hindi ipasa ay mamamatay ka o yung isa sa mga kamag-anak mo. Kakapasa ko pa lang meron na naman. Pang asar sa buhay. Nauso ang true meaning of textmates. Nauso ang ligawan sa text na di naglalaon ay tumutuloy sa kasalang bayan. Sexmates, games at kung anik anik pang mga kalokohan. Di naglaon ay napagod rin ang sambayanan sa kapipindot.

First year college ako yung 3210 pa rin ang cellphone ko at during that time eh KKK na ang turing sa cellphone nay un as in Kahiyahiya, Katagotago at Kalimotlimot. Nagging symbol of status na rin kasi sa society ang cellphone. Para sa akin, wala naming masama sa kung luma eh sadyang naimbento na rin kasi yung mga taong di mapigilan magisip ng kung ano man at magfeeling elite. Mga pasaway buwisit!!

Nalungkot naman ako ng mawala ang pinakamamahal kung 3210. nawala sya ng kuya ko nung hiniram nya. Nalungkot ako ng konti pero natuwa rin kasi ibig sabihin eh mapapalitan na sya ng bago, di ko pa nga lang alam kung kalian, pero I’m looking forward sa araw na iyon.

WELCOME 3530!!

Nagtrabaho ako sa mcdo at nakabili ako ng bagong cellphone!! Colored sya pero walang kamera pero ok slang. 2700 yun, wala lang. sya na ang nakasama ko sa mga dumating na panahon. Gusto ko dun yung message counter kung nakakailang text nab a ako. Nagging best bud ko yun sa maikling panahon.

FAREWELL

Nalungkot ako nung binenta ko yun para may pambayad sa English. Grabe ang bigat ng pakiramdam. Binenta ko sya for P500 lang, napilitan na ako dahil kailangang kailangan na. grabe pero ganun talaga siguro ang buhay. Tinago ko pa nga kay Mama eh. Ewan ko yung oakiramdam pero parang naaawa ako sa sarili ko nun.huhu nung gabi ring iyun ay binenta ng pinsan k okay Mama yung cellpphone nya. 3510. P800 nga lang eh.hehe marami pang nangyare after this nagging 5110 na hiniram naman ng binilhan ko ng 6600 kong cellphone ngayon. Ang sarap mag picture picture at mag video. Feeling artista.hehe may send to groups na rin kaya din a ako nahihirapan.hehe

Marami ngayon kasama ako ang matatalo sa Spelling Bee dahil sa cellphone. Marami ang mamamatay pero di ako kasama doon kung walang cellphone. Kung may mabuti mang naidulot ang bagay na ito iyon ay ang pagkakaroon ng sandamakmak na…

SCANDAL.

Linggo ng Wika


Ang Linggo ng Wika tulad ng trabaho o posisyon sa kompanya ay subject din for promotion. Siguro dati Araw ng Wika na nagging Linggo ng Wika at ngayon ay nagging Buwan ng Wika at di maglalaon ay magiging Taon ng Wika, Dekada ng Wika, Siglo ng Wika, Milenyo ng Wika at Buhay ng Wika. iyan ang Linggo ng Wika, bow!!!

kapuso kapamilya












KAPUSO KA KUNG...








1. Saulo mo ang title ng lahat ng mga naging season ng Daisy Siete.





2. Kilala mo ang lahat ng mga artistang nagsimula sa That’s Entertainment.





3. kung tumitirik na yung mata mo sa panonood magmula Unang Hirit hanggang sa Unang Hirit ulit kinabukasan.





4. inuubo ka na rin katulad ni Mike Enriquez.





5. nag-audition ka sa Starstuck.





6. kinikilig ka kay Jennica at Dennis.





7. nakikipag away ka sa mga kaklase mong Kapamilya.





8. memorize mo ang lahat ng naging Survivors at Avengers ng Starstruck.





9. naging addict sa mga Koreanovela.





10. nanonood ka kahit ayaw mo na.




Kapamilya ka naman kung...

1. fan ka ni Willie Revillame.





2. Kung TFC Subscriber ka.





3. kung lagi mabigat ang loob mo bago matulog kapapanood ng mga teleserye.





4. kung nagsasabi ka ng Aja!





5. kung malabo na ang mata mo dahil sa malabong reception sa TV.





6. kung follower ka sa twitter account nina Ruffa Gutierrez at Mariel Rodriguez.





7. kung pinagtsatsagaan mong panoorin yung show kahit ayaw mo naman.





8. sawa ka ng manood ng boksing tuwing Linggo.





9. kasama ka sa stampede sa Ultra.




10. hindi mo kilala si Marian Rivera.

SURVIVOR


Labing anim na Pilipino ang maswerteng napili upang maging kalahok sa susunod na Edition ng Survivor. Ang naturang Edition ay ang ianasahang pinakamalaki at pinakamagastos dahil ito ay gaganapin sa isang isla sa planetang Jupiter. Ang mga castaways ay ipadadala sa planeta sa pamamagitan ng mga inarkilang space telescopes sa NASA. Ang tribal council ay gagawin sa Ganymede, isa sa mga buwan ng planeta. Ang mga castaway ay iiwan sa planeta at kung sino man ang kaisaisang mabubuhay doon ng hindi mamamatay sa loob ng 39 days ang tatanghaling kaunaunahang Sole Survivor, ang mga natalo naman ay magiging Soul Survivor. Ang mananalo ay magkakamit ng isang tangke ng oxygen. Trip for two sa Uranus, at round trip ticket at exclusive tour sa mga rings ng Saturn. Ang MegaWorld na isa sa sponsor ng Survivor:Jupiter ay magbibigay rin ng isang exclusive na byahe sa Black Hole.

DARNA!!!










Tinatayang may apat na pung milyong pamilya sa Pilipinas, ayon sa datos ng National Statistics Office nung 2007.[1] tatlumpung porsyento sa mga pamilyang ito ay nakakaranas diumano ng matinding gutom at ang natitirang pitumpung porsyento ay nakararanas naman ng matinding kabusugan.

At ngayon ay walang kaabog-abog kong ipinakikilala ang isa sa apat na pung milyong pamilya sa Pilipinas (ang natitirang tatllong milyon siyam na raan siyam na put siyam na libo siyam na raan at siyan na put siyam na pamilya ay saka na lamang ipakikilala sapagkat baka abutin tayo ng habambuhay)

Ang kasaysayan ng pamilya Dela Cruz ay naguugat pa sa malalim na kasaysayan ng Bukidnon. Ang pamilya ay itinaguyod noon pa lamang panahon ng Lumang Bato sa pamamagitan ni Don Bibo, ang may ari ng kilalang pagawaan ng eskoba sa probinsya. Nagkaroon ng maraming anak sa iba’t ibang babae at ngayon ay nahihirapan ang iyong linkod na hanapin ang sanga kung saan ang magiging bunga ay si Caloy Dela Cruz.

ANG MAG-ASAWA

Si Calculator “Caloy” Dela Cruz ang padre de pamilya ng pamilyang ito. Ang pangalan niya ay hango sa calculator dahil kung hindi mo naitatanong ay aksidenteng nalulun ng kanyang nanay ang isang calculator habang ipinagbubuntis siya nito. At gaya nga ng inaasahan ay naging magaling si Caloy sa math, algebra, trigonometry, calculus, accounting, at mga aspetong kinakailangan ng math. Madalas tuksuhin si Caloy nung bata pa siya dahil sa 0 to 9 na number sa ngipin nya. Dahil dyan ay nagkaroon siya ng matinding trauma. Madalas syang tulala at nakatitig sa malayo. Sa eskuwelahan ay madalas syang ipanlaban ng kanyang titser sa mga competition at madalas itong nanalo. Dahil sa galing niya ay nagpalabas ang order ang DECS na hindi na sya makakasali sa mga contest dahil maraming mga magulang ang nagrereklamo sa sobrang insecurity.

Parang ang boring yata ng kuwento na to noh hehe. Commercial muna. Say this five times: waahh... waaah... waaaaahhh.. wah! Weee.. Wowoweeee!!!! Okey na? hindi pa rin grabe naman.. ok cge.. mmmaaaa... maaaahh.. mahhhh... nok... manok! Ok na ha..

Kumuha si Caloy ng kursong engineering nung college at yun nakagraduate sya at naging topnotcher sa board exam. Magaling si Caloy sa mga bagay at mga sitwasyong kailangan ng numero. Sa trabaho ay nakilala niya ang kanyang naging asawa na si Alma.

Si Almanac “Alma” Zaide-Dela Cruz ay anak ng di ko kilalang tao. Ayon sa usap usapan sa mga tindahan at talipapa si Alma raw ay anak ng kilalang historian na si Sonia Zaide na diumano ay nakalunok ng almanac habang ipinagbubuntis si Alma. As expected ay naging magaling si Alma sa History. Alam niya ang kasaysayan ng bawat bansa, bawat bayan, mga alamat, kuwentong bayan, kasaysayan ng bawat tao, bawat planeta at lahat ng bagay na makasaysayan. Kumuha siya ng kursong Geography nung college at nakagraduate naman siya. Pumasok siya sa isang Construction Company kung san niya nakilala ng di sinasadya si Caloy.

Nagkakilala ang mag-asawa sa hindi sinaadyang pangyayari. Kinailangan ni Alma na icompute ang kanyang mga utang at ayun tinulungan na siya ni Caloy kahit bahagyang nahihiya sa nangyari. Simula noon ay naging magkasundo na ang dalawa dahil tinutulungan naman ni Alma si Caloy sa pag-aayos ng magiging takbo ng buhay nito.

Maraming di pagkakasundo ang mag-asawa dahi minamanduhan lagi ni Caloy ang kanyang asawa sa lahat ng galaw nito dahil laging de-numero ang galaw nito. Si Alma naman ay laging hindi makalimutan ang nakaraan.

Paikliin na nga lang tong kalokohan na to naboboring ako.hehe

ANG MGA ANAK

Nagkaroon ang mag-asawa ng dalawang anak. Ang panganay ay ang babae na si Mat. Maria Atlas Dela Cruz. As usual, nakalunok si Alma ng Atlas nung nagbubuntis ito. Napakasaklap ng kapalaran ni Mat dahil puro mapa ng libag ang buo nitong katawan napakinabanagan naman si Mat dahil siya ang ginagawang illustration ng teacher niya pag nagdidiscuss ng Philippine at World Geography. Naging kapakipakinabang din si Mat dahil hindi sila naliligaw dahil may road map siya malapit sa batok. At na feature siya sa National Geographic dahil ang mapa ng Yamashita at mga natatagong yaman sa mundo ay nakadrawing sa kanya. Kompleto si Mat dahil meron itong political map, climate map, at floor map. Nahirapan si Mat sa kanyang sitwasyon kaya nung minsang naliligo siya ay tinagka niyang hiludin ang mapa ng libag pero napigilan naman siya ng kanyang nakababatang kapatid na si Dick.

Si Dictionary “Dick” Dela Cruz ang bunsong anak ng mag-asawa. Si Alma ay aksidenteng nakalunok ng English-Tagalog Dictionary habang ipinagbubuntis si Dick. Magaling si Dick sa English. May masama nga lang itong ugali at iyon ay ang bigyang kahulugan ang lahat ng nangyayari at nagaganap sa kanyang paligid.

BALIW NA PAMILYA

Sa hapag kainan habang naghahapunan...

Caloy: 25 minutes lang ang pagkain. Kung susubo kayo ng isang kutsara sa kada tatlong segundo ng isang 150 grams ng kanin ay matatapos kayo sa loob lamang ng 15 minutes. Tapos ay kakain kayo ng 1500 calorie na dessrt sa loob ng 5 miutes sa bilis na 35 miles per hour at magpapahinga sa natitirang 5 minutes kung saan ay hahayaan natin ang ating tyan na iabsorb ang lhat ng pagkain. (ay ewan)

Dick: oh bakit ang ganyan ka makatingin Ate!!? Siguro may dumi ako sa muka, siguro may iniisip ka na nakakatawa, siguro pinagusapan nyo ko kanina, siguro nagagawapuhan ka sa akin, siguro ikaw yung kumuha ng wallet ko...

Alma: oh tama na yan!! Akala nyo siguro hindi ko naaalala yung mga pinaggagawa nyo nung June 19, 2005 sa ganap na alas kwatro ng hapon noh. Pinatawag ako ng principal dahil nag away na naman kayo birthday pa man din ni Rizal at ikaw naman ano yung nangyari nung December 10, 2008, tinapat mo pa talaga sa araw kung saan pinirmahan ng Espanya at ng Amerika amg Treaty of Paris nung 1898. di ko nakakalimutan yon saksak nyo yan sa mga baga nyo!!!!!

Mat: may lumitaw na bagong mapa ng libag sa akin, nandito na rin po yung mapa ng papunta sa katapusan ng kuwentong walang kalatoy latoy.hehe

Naging masaya ang pamilya at sa paglipas ng panahon ay nakalunok ng kung ano anong bagay ang mga asawa ng mga tao. Ang isa ay nakalunok ng cookbook at naging magaling na chef ito, nakalunok ng wahing machine at naging magaling na labandera, nakalunok ng rugby at naging drug addict, nakalunok ng microphone at naging singer, ng lagari at naging karpintero, ng manibela at naging driver, ng korona at naging reyna, at ang huli ay nakalunok ng bato at naging si... DARNA!!
[1] Ang datos na iyan ay ‘tsamba lang. hehe

NEW YORK TIMELESS


Beyond Differences BY: Nerai Onibas


HOLLYWOOD, California (REUTERSI): This movie is based on real life and was critically acclaimed by the world’s most credible award giving bodies, which include Best Picture in Oscars and Best Foreign Movie in Cannes Film Festival. This movie was produced by Columbia Pictures in partnership with Sony Entertainment. This movie was written by Dr. Geoge Madela of Italy and was translated by English Translators for better understanding.

The movie was a huge success on its first day of opening in US movie theaters. The script is well-loved due to its humorous and outstanding translation.

The movie is all about the fighting conversation between a cat and a dog. They argue at first and at the end they found love and friendship. The conflict starts with a piece of bone near where the cat is sleeping, the dog wants it but the cat refuses it to give.

I personally have watched the movie and I really can’t stop the tears falling on my cheek. The movie is really entertaining and full of moral values about understanding differences, love and respect.

I’m glad to inform my avid readers that the producers lend me a personal copy of this movie and I want it to share this with you. Enjoy and have fun!

BEYOND DIFFERENCES by: Dr. George Madela
Filipino Translation by: Juan Dela Cruz

Sa isang malaking bahay na pag-aari ng mayamang mag-asawa na sina Don Predericho at Donya Massellinna ay nakatira rin ang kanilang mga alaga. Si Martha, ang alagang pusa nila na walang kahilig hilig maligo dahil meron itong phobia sa tubig. Takot din ito sa aso at ang paborito nitong pagkain ay ang tinik ng isda. Si Bruno, ang asong alaga ng mag-asawa dumating siya tatlong taon matapos ipanganak si Martha. Paborito niya ang buto ng hayop, mahilig manghabol ng pusa at lumundag sa damuhan.

Isang gabi ay di sinasadyang naitapon ni Don Predericho ang buto malapit sa hinihigaan ni Martha. Nakita ito ni Bruno para kainin ngunit biglang nagising si Martha at nabigla sa ambang pagkagat ni Bruno sa Buto!!

Buti na lamang at uminom na si Martha ng gamot niya sa hypertension at hindi siya na stroke.

Galit na galit na susunggaban ni Bruno ang Buto ng biglang tumayo sa kinauupuan si Don Predericho para pumunta sa banyo.


Namutla ng husto ang pusa sa naturang insidente.


Nalito naman ang aso sa biglang pagtayo ng amo. Kaya sumuot na muna ito sa ilalim ng hagdanan. Dito na nag simula ang away ng dalawa!


Bruno: Grrrrr... aw!!! Awwwwwww!!!!!!!!!!!!!! Aw!!!!!!!!!
(Buwisit kang pusa ka, akin na yang butoooooo!!!!!)

Martha: mmmmeooooooooooooowwww!!!!!
(aayyyyyyooooooookkkkkkooooooooooooooo!!!!!)

Bruno: Bowwww wowww wowwwwww!!!!!!!!
(ayaw mo ah!? Puwes garapata ko ang sa iyo!!!!)

Napuwing ng garapata ang pusa at napapikit ito. Sinamantala ng aso ang tatlong segundong pagpikit nito!!

Bruno: arrrf! Arff!! Arfffffffff...........
(dahan dahan akong lalapit kay Martha....)

Martha: mmeow! Meow! Meow!!!!!!!
(tutusukin kita ng tinik!!!!)

Lumabas mula sa bibig ng pusa ang isang malaking tinik ng tilapia at natusok ang aso habang papalapit ito! Nasaktan ang aso at umiyak!

Bruno: awwww.... awwww...... awww..
(aray ko... ang sakit... sinaktan mo ako...

Nakita ni Donya Messillina na nag-aaway ang kanyang mga alaga, nakita rin niya na basag na ang halos kalahati ng kanyang mga muwebles. Nagalit ng husto ang donya at hinanap ang dalawang alaga.

Nagtago ang dalawa at nag-uasp...

Bruno: Awwww.... awww... aw. Aw..
(Bati na tayo ah..?)

Martha: meow... meow..
(Bestfriends Forever)

Nahuli ng Donya ang dalawa at kinatay. Namaalam ang dalawa at namatay ng magkaibigan...

This movie serves as an inspiration to the people around the world. Peace and order was obseved to several countries all over the world.

Mysteries Unfold



Naniniwala ka ba sa mga engkanto, laman lupa, duwende o kabilang buhay. Maraming misteryo sa mundo ang hindi maipaliwanag ng mga tao. Isang masusing imbestigasyon ng mga eksperto sa paranormal, normal at ng mga abnormal, ang katotohanan sa likod ng mga isyung wala pang kasagutan hanggang sa mga oras na ito.

Ito ay sinaliksik nina Mang Kepweng, isang magsasakang hobby mangulangot. Si aling Bireng, ang pinaka mapagkakatiwalaang katulong ng mayor ng Antipolo, Rizal. Si Posso, suki sa tindahan ni Gwapa. At si Lou Vugga, ang kaisa isang may third eye sa Barangay Project 2. ang naturang mga personalidad ay walang takot na hinarap ang kanilang mga takot para lutasin ang pinakamalala at pinakamalaking tanong di lamang ng mga Pilipino pati na rin ng mga Hapon, Tsino, Pranses, Brazillian, Vilmanian, Noranians, at Dalmatians.

DUWENDENG ITIM!!

“Ikaw!!! Makasalanang nilalang!! Papatayin kita!!” siagaw ni Jessa isang babaeng sinapian umano ng duwende

“maghunos dili ka!!” sigaw ni Ben, anak ni jessa sa tricycle driver na may polio.

“woooarrrr!!!!! “ nakakatakot na tugon ni Jessa

Ipinatawag ng taong bayan si aling Bireng. Agad dumating ang maaasahang katulong. Natulala ang mga tao sa pagdating ni Aling Bireng.

“Hey! Wazzup!? Wats going on!?” pagmamalaking bungad habang nagtatanggal ng shades.

“sinasapian si Jessa!” tugon ni Ben.

“And then”

Sinakal ni Jessa si Bireng at sa ilang sandali ay dumilim ang paningin ni Bireng. Paggising nito ay nasa loob na siya ng isang higanteng palayok at napaliligiran ng mga itim na duwende, tikbalang at mga aswang. Nabigla si Aling Bireng sa mga nakita.

“totooo pala kayo!” gulat na gulat na nasambit ni aling bireng.

tumahimik ang paligid sa pagdating ng makapangyarihang hari ng ilalim na daigdig.

“pakawaln mo ako!! Damn you! How dare you to do this!!”

Nabigla muli ang lahat sa walang takot na pagsalungat ni Bireng sa Hari.

“shut up, Bitch!!” galit na galit na tugon ng Hari na noon ay kagigising kaya mainit ang ulo.

Inutusan ng hari na ikulong si Bireng sa isang kaldero upang hindi na ito makapaminsala.

ASWANG FEVER

SA MUNDO NG MGA TAO…

“Nsaan na yang magling mong katulong?” tanong ni Mayor sa anak niyang si Posso.

“malay ko po, nandyan lang po siguro yun nagdidilig.

Si posso ang pangalawang anak ni Mayor Ed. Kilala ang anak niya sa bayan dahil sa pagiging adik nito. Namatay ang asawa ng mayor matapos mapagkamalang aso sa bukid, aksidente syang nataga ni Mang Kepweng. Sa kabila ng lahat ay nagging malapit ang loob ni Posso sa magsasaka ng marijuana.

“ay! Ay! Ay! Saaaaaakkkkloluuuuuuuuu!!!!” sigaw ni posso matapos humithit ng shabu.

“wag ka ng sumigaw walang nakakarinig say o!!” sambit ng isang babaeng nakatokong.

Pinapawisan na ng malagkit si Posso.

“pe.. pppperro… bakit!”

“ayan na naman ang anak ni mayor mukang nakatira na naman” say ng isang estudyante sa kausap nitong bata.

“waaaaaahhhh!!!” nagwawalang sigaw ni Posso na pumaimbulong sa buong bayan.

Nagkagulo ang mga tao. Dumating ang ambulansya, mga bumbero, nurse, engineers, mga artista at mga computer technicians.

“anong kaguluhan ito!!!?” tanong ni John Lapus

“mukang nakakakita na naman ng asuwang si Posso!!” walang habas na pagsabat ni Aling Aida.

Kumaripas si John ng takbo dahil sa sobrang takot. Ipinatawag si Mang Kepweng.

“anong problema anak?” tanong ng magsasaka sa adik na nagwawala.

“si mommy!!! Ayan sa likod nyo!!”

Nagtakbuhan ang mga tao at nagmistulang ghost town ang buong bayan.

Umulan ng malakas. Bumagyo sa loob ng isang taon matapos ang pangyayaring iyon.

SA PAARALAN…

“I am a youth!!!...”

“Very good Lou!!” sambit ni Sir Freddy.

“hayop ka walang anuman!!”

Usap usapan sa buong bansa ang nangyayaring misteryo sa bayan ng Burang, sa Barangay Project 2.

Si Lou ang kaisa isang may third eye sa buong Barangay, ang ngayon ay inaasahan di lamang ng bayan kundi pati na rin ng buong mundo sa napipintong pagsakop ng mga nilalang mula sa ilalim na daigdig!

Bilang paghahanda sa nalalapit na laban at sa mabigat na responsibilidad na iniatang ng mamamayan ng ibabaw na daigdig sa kanyang mga balikat ay pinuntahan niya ang buhay na anito sa kuwebang asul, na si Arvie.

Agad itong humingi ng payo at kapangyarihan upang gapiin ang mga elementong sasakop sa mundo. Ibinigay ni Arvie ang hinihingi sa dalawang kundisyon na agad rin namang ibinigay ni Lou.

Di nagtagal ay bumiyak ang lupa, naglabasan mula rito ang mga duwende, tikbalang, white lady at mga tiyanak. Sa himpapawid ay naglilipran ang mga mananaggal, engkantong hangin at alien predatoras. Sa tubig ay lumusob ang mga elementong bulig, kabayong tubig at isdang ilog!!!

Nagdeklara ng global state of emergency ang United Nations at inatasan nito ang presidente ng bawat bansa na sugpuin ang mga nilalang na ito.

“today I hereby declare the whole Phippines to be under the law of diminishing returns, and so order” tugon ni Pangulong Ulupong sa interview sa TV.

Itinaas at ipinatupad na ng mundo ang Global Shocking Power pero hindi ito nagtagumpay dahilan upang bumagsak ang Roma sa kamay ng mga duwendeng itim.

ATTACK OF THE HORSES

Hindi na makawala ang mundo sa pangaalipin ng mga halimaw na ito at sa pagmamalupit ng mga engkantong dagat!!!

Wala ng pag-asa!!!

Nabawasan ang populasyon ng mundo, laganap ang gutom.

Sa Project 2…

“this is it! This is my time to shine!! I AM THE NEXT BIG STAR!!!”

Sumahimpapawid ang isang malaking bituin upang iligtas ang sangkamunduhan sa pananalakay na ito ng mga engkanto.

Nabuhayan ng loob ang mga tao!!

“hep hep hurrrrayyyyy!!!” sigaw ng mga tao.

Sa ilalim ng daigdig…

“pakawaln ninyo ako sa kalderong ito! Mga hayup!!! I hate you all! I can’t take this anymore. Let justice prevail ano ba talaga ang need nyo!? Let’s talk about this!!!!” sigaw ni aling Bireng

“kailangan namin ang dugo mo!!”

“what’ okey okey, you get it na so I can go home na owkkey!!!”

Sa bahay ni Mayor…

“ako ang tunay mong ama, anak ka namin ng nanay mo!!” pagbubulgar ni Mang Kepweng na ikinabigla ni Posso.

“oo ako nga, at nung gabing magtatanan na kami ng yung ina papaalis sa aming bukid ay binaril sya ngiung ama na si mayor ed at pinalabas na ako ang puamatay matapos mapagkamalang aso ang iyong ina!!” dagdag ni Kepweng

Muling nagpakita ang aswang na ina kay posso.

“totoo po bay un inay, wag po kayong magsisinungaling. I hate liars ang I need the truth!!” pagmamakaawa ni Posso

Natigilan ang aswang na ina at ang kanyang nasambit…

“confirmed.”

Inatake sa puso si mayor at namatay. Nagsama ang mag-ama sa bukid na kaniyang tinutuluyan.

“anak meron akong ipagtatapat sa iyo”

“na naman!? Grabe ang daming revelations.. okey go!”

“ito ang anting anting na iniwan sa akin ng iyong ina bago siya nawala sa earth at inihabilin nya ito na ibigay sa aking anak sa araw na malaman niya ang katotohanan. Ang iyong ina ay ang orihinal na SuperDarna, huminto siya sa obligasyong yun matapos nyang mapatay si Hitler noong Ikalawang Digamaang Pandaigdig, at ngayon anak ay panahon na para ipasa sa iyong mga kamay ang kapalaran at hinaharap ng mundo, kailangan mong tulungan ang isang bituin upang mabuo ang isang tambalang magpapataob sa mga halimaw mula sa ilalim na daigdig!” rebelasyon ni Kepweng

“pero…” sabat ni Posso

“wala ng pero pero basata gawin mo na lang, para sa akin, sa iyong ina at para sa pansit malabon na malabo mo ng matikman kung masakop ng mga halimaw ang mundo.”

Isang maliwanag na bituin ang nagliwanag sa himpapawid…

Nagliwanag maging ang pinakamadilim na bahagi ng mundo matapos lumipad mula sa kalangitan ang isang berde at isang asul na bituin!!

Nagsalpukan ang dalawang bituin sa isang bansa na malapit sa ekwador. Nabuhayan ng loob ang mamamayan!

Nasindak ang mga halimaw at lalong pinahirapan ang mga tao!!!

“ano ba tignan mo naman ang dinadaanan mo!!” galit na sabi ni Lou

“okey!” sagot ni Posso

Nagtaka ang dalawa sa taglay na liwanag at kapangyarihan ng bawat isa. Nakita ng isa’t isa ang kuwintas at binuo nila ito. Sabay nito ay nagsamasama ang mga bituin sa buong universe at nabuo nga ang isang tambalan na gagapi sa mga mananakop.

“sa ispirito ng liwanag ng pagmamahal at katarungan para sa lahat…”

“sa ilalim ng kapangyarihang tatalo sa masasama…”

“ako si Nardong Ginto, handang lumaban para sa mundo!”

“ako si Super Durna handang ipagtanggol kayo!”

“kami ang tambalang sobrang bangis na tatalo sa inyo!!!”

Limang makapangyarihang pinuno ng bawat lupon ng mga engkantong halimaw ang humarap sa mga tagapagtanggol!!

“bvvvveeerrr, errrrrvvv errrrbbbvvvv vvvverbbb!!!” sigaw ni tikbalang hayop

“super wavvvahhh!!!” at lumupig sa higanteng kabayo ang langis na nagmula sa panis na sinigang na inulam nina posso nung gabi. Nanlumo ang tikbalang sa asim nito at agad itong nagpakawala ng likidong mula sa pinagmumugan ni Angel Locsin.

“I can’t take this!!!” agad na umisip ng paraan si Nardong Ginto

Pinasabugan ni Nardo ng utot-sago ang tikablang na ikinamatay nito. Ang tikbalang hayop pala ay nagkubli sa katauhan ni Roderick Paulate na noon ay gumanap na Petrang Kabayo. Ikinalungkot ito ni Nardo, Napalaya ang mga bansang sinakop ng mga kabayong tao na ito kabilang na ang bansang Ehipto.
Apat na puwersa mula sa isang mananaggal, aswang, balyenang hangin at duwende ang sumunod na kalaban.

Sinampal ng pakpak ng manananggal si Super Darna at gumanti naman agad ng suntok ito sa tiyan ng manananggal.

Pinaluputan ni Super Durna ng isang mahabang longganisa sa leeg ang halimaw na ito at sumuka ito ng isang malapot na berdeng dugo na sumambulat sa muka ng tagapagligtas na ikinalapnos ng muka nito.

“hindi na makakita si Super Durna!!” takot na takot na sambit ng mga tao

Sumalakay ang mga paniki at tinuka ang mga taong nanonood sa laban ng taon!!

Naihi si Super Durna sa kaba at aksidenteng nalaglag ang ihi nito sa kaputol na katawan ng mananaggal na ikinamatay nito dahil sa salt content ng ihi nito. Ang mga paniki ay naglaho at nagtransform bilang mga kalapati.

Nahilo si Nardong Putik matapos umalingasaw ang isang malansang amoy mula sa dagat Pasipiko. Lumabas ang kinatatakutang balyenang hangin. Ang balyenang ito ay naglalabas ng hangin na nakamamatay.
“Glade Power!!” sigaw ni Nardo at namatay ang balyenang hangin. Mabilis lag ang pagkamatay nito sa kadahilangang inaantok na ako at gusto ko na matapos ang kalokohang ito!

Umulan ng dugo!! Pinakawalan ito ng duwendeng itim. Tila nakilala ni Super Durna ang dUgo at hindi nga siya nagkamali ang dugo ay dugo ng kaniyang dating katulong na si Aling Bireng na namatay mataopos higupin ng dwendeng itim ang lahat ng dugo nito!! Grabe talaga!

Kapanapanabik ang bawat tagpo at hindi na ako makapaghintay!!

Heto na..

Dahil sa nagging taggutom sa ibabaw na daigdig ay inipon ng mga tao ang ulan ng dugo ni Bireng at ginawa itong dinuguan. Sa tulong ng kapangyarihan ni Super Durna bilang pagbibigay pugay sa dating katulong ay nagpaulan na rin sya ng puto. Nalunasan ang gutom sa daigdig.

Isang babae ang dumating kasama ng anim na unano at nakiusap na wag patayin ang duwende. Tinanong ng mga tagapagligtas kung bakit at napag alaman nila na na ang duwende ay si Sleepy at ang babae ay walang iba kundi si Snow White.
This is it!!

Ang pinakamakapangyarihan sa lahat!! Ang Aswang Wang Wang!!

“AHHHHooooooOOOOOOO!!!!”
“aAAAAaaaaaahhhhOOOOOOO!!!”

“Gaga! Heto ang bawang!!”

Namatay ang aswang at nakalaya na rin ang kaluluwa ng ina ni Posso matapos alipinin ng aswang ang kaluluwa nito.

Nailigtas ang mundo. Nagging people of the year ng Time Magzine sina Super Durna at Nardong Putik, nagging number one sa Forbes Magazine.

Nkakainspire na istorya at ditto natuldukan ang mga misteryo tungkol sa mga kababalaghan sa mundo.

Universal Love









UNIVERSAL LOVE

CREED OF LIFE: “Let your love be stronger than your hate and anger. Learn the wisdom of compromise, for it is better to bend a little than to break.”

Si Cupid, anak nina Psyche at Poseidon yata yun. Siya daw ang pumapana sa mga puso ng mga tao at magkakatuluyan nga sila.

Si Purita, choir sa simbahan, masayahin, palabiro, at mabait. Sa simbahan ay nakilala nya sina Bochok at si Browny. Cute sila, makisig at bibong bibo. Gustong gusto ni Purita na pumunta sa simbahan dahil sa kanila.Mas maraming talento si Bochok kaysa kay Browny kaya mas minahal ni Purita si Browny. Masaya sila kapag namamasyal sa isang park. Nagtatakbuhan. Nagyayakapan. Hinahalikan ni Browny si Purita, at kiliting kiliti naman siya dito. Si Browny ang laman ng puso at isip ni Purita hanggang sa umeksena si Bochok. Minsan ng nasakmal ni Bochok si Purita pero ayos lang sa kanya. May kaibigang beterinatyo sina Bochok at Browny na linggo linggo silang dinadalaw.

Sa isang pagkakataon ay hinigpitan ni Purita ang tali ni Browny at niluwagan kay Bochok.

Minsan ay palihim na lumalabas sina Bochok at Purita. Iginagala ni Purita si Bochok at tuwang tuwa naman siya sa tahol nito habang lumulundag lundag sa damo. At iniuwi na niya si Bochok sa simbahan, tahol ng tahol si Browny dahil naiihi na at mahigpit ang tali. Nabigti at napatid ang hininga ni Browny at namatay. Tumakbo ng malayo si Bochok at nasagasaan ng pison. Napisa si Browny.

Dahil sa sobrang lungkot ni Purita ay nag alaga na lamang siya ng pusa, si Muning. Hindi alam ni Purita ang lihim ni Muning, na ito pala ay galling sa Andromeda Galaxy at ito ay isa palang nagpapanggap na halimaw. Isang araw ay nawala si Muning, hinanap niya ito sa bukid at nakita sa dagat.

“Muning!, Muning!, tara dito!,”

Habang papalapit si Muning ay nagdilim ang buong kalangitan at kumidlat ng malakas. Tinamaan si Muning ng isang kidlat at nag iba ang anyo nito. Biglang sumulpot mula sa ilalim ng lupa ang mga halimaw-kuto at lumipad mula sa sa himpapawid ang mga ahas-monster na nagbubuga ng tutulilis na nakakalusaw. Si Muning ay naging isang UhoG-Unggoy. Galit na galit sila kay Purita at gusto nila itong ipalaman sa niluluto nilang banana split. Sumalakay ang mga halimaw-kuto sa ibat ibang bansa. Marami ang namatay! Namatay ang mga tao sa Pilipinas. At dito ay naisip ni Purita ang pamanang pasador ng lola niya. Ginamit niya ang kapangyarihan nito at sinambit ang mahiwaga at kakilakilabot na orasyon na natutunan pa mula sa nga sinaunang tao sa Mesopotamia.

“Bling!, bling!, eke eke abc tsup k ek, bubuchichang, pooooooooowwweeeeeerrrr!!!! Umulan ng manok-tuko!”

Umulan nga. Pinatay ng mga manok-tuko ang mga halimaw-kuto. Pero biglang nagsulputan ang mga halimaw-kuyumad! Tinawag na ni Purita ang mga engkantong dagat at duwendeng bundok. Tinawag naman ni Uhog-Unggoy ang mga katropa nito sa Big Star Galaxy at nagpadala ang pamunuan ng Galaxy ng mga tonetoneladang sabaw ng pinakuluang alipunga. Nagsagupaan ang mga ito. Kinailangan na ni Purita na isuot ang mahiwagang pasador upang magapi ang mga kalaban!! At sa tulong nito ay isang saging ang lumabas. Kinain ito ni Uhog-unggoy at nanghina.

“bakit nyo to ginagawa!?”

“ nais naming ipaghiganti ang aking Ama at kapatid!! Pinatay mo sila!!!” sagot ni Uhog Unggoy

“Pero sino?” nagtatakang tanong ni Purita habang nakakunot ang noo.

“nagmamaang maangan ka pa!? matapos mong ibigti ang aking kapatid at pasagasaan ng pison ang aking ama!?” naiihing himutok ng Uhog-unggoy.

Humungi ng tawad si Purita at naintindihan naman ito ni Uhog-Unggoy. Hanggang sa natutunan ng bawat isa ang kahulugan ng pag-ibig. Sila ang nagging hari at reyna sa kahiraan sa Galaxy na malapit sa Ursa Major. Si Jaclyn, ang diyosa ng tuko-monster, ay binayayaan sila ng mga anak. Sina Baboy-Baka, Aw-mani at Mumunggu.

aNg PiNaKa!!!


Ang Tatlong Pinakakilalang Pilipino

3. Jinkee Pacquiao: asawa ng pinakasikat na boksingero sa mundo na si Manny Pacquiao.


2. Dionisia Pacquiao: ina ng sikat na boksingerong si Manny Pacquiao


1. Manny Pooh-kyaw: impersonator ng pinakasikat na boksingerong si Manny Pacquiao

Ang talong pinaka hindi Kilalang Pilipino

3. Bert Manalay: Profiles Unknown


2. Susie Wabakong: Profiles Unknown


1. Hindi pa nakikilala.

DEAR FRIEND



Dear Friend,

Magandang gabi Mavz and Jolens. Ako po si Minda at bago ang lahat nais ko pong ipaabot mula sa kaibuturan ng lumuluha kong puso ang aking taos pusong pasasalamat sa pagbuo at pagkonsepto ng isang programa na kakatawan sa hinaing at iyak ng damdamin ng bawat Pilipinong nagging masaya, maalungkot at miserable sa pag-ibig. Nais ko rin pong magpasalamat personally sa aking idol na ng matagal na panahon mula pa ng grade 1 ako na si Ate Jolens, na itinuring ko na pong kapatid, dahil sa pagbibigay nya sa amin ng kanyang mga pinaglumaang damit at tira-tirang pagkain. Ate Jolens, marami po talagang salamat sa iyong mabuting kalooban na sadyang kahanga-hanga. Hanggang kamatayan po ay tatanawin ko ang malaking utang na loob ko sa iyo, ate Jolens. Nalungkot po talaga ako nung naghiwalay ang loveteam nyo ni Kuya Marvin at lumipat na kayo ng istasyon dahil kung hindi nyo po naitatanong eh isa po akong certified na Kapamilya pero simula po nung lumipat na rin si Kuya Marvin ay hindi na rin po ako nagpaawat at talagang lagi ko na po kayong sinusubaybayan hindi po ako natutulog, naliligo o kumakain man lang hangga’t hindi ko kayo nakikita. Napapagalitan nap o talaga ako minsan ng aking nanay dahil ginaya ko ang ayos mo Ate Jolens nung kinumpilan ako. Nakakahiya man po Ate Jolens ay ginawa ko yun dahil sa matindi at walang hanggang pagmamahal at paghanga ko sa iyo bilang isang tao. Dadalhin ko po iyon hanggang sa aking kamatayan.

Nais ko lang po ikuwento ang naging love story naming ng boyfriend ko. Pero bago poi yon ay nais ko pong humingi ng tawad sa iyo Ate Jolens ng hindi ako nakaattend sa Grand Fan’s Day mo nung isang taon dahil nagpavasectomy po ako at hindi na po talaga maawat ang mga sumunod na tagpo na iyon ng aking buhay. Ate jolens hindi po ako makatulog hangga’t hindi ko nakakamit ang iyong pagpapatawad. Patawarin nyo po talaga ako nung hindi ko po kayo maipagtanggol sa mga nagsasabi na jologs daw po kayo at mukang Christmas tree dahil sa akin naman po lumilipat ang pambubuyo ng mga tao. Ate jolens patawarin nyo rin po ako nung hindi ko kayo nabati ng Happy Birthday. Sana po ay maunawaan nyo.

Itutuloy ko na po ang aking kuwento pero bago po ulet yun ay pakibati naman po ang mga magulang ko sa probinsya namin sa Antique talaga pong fan kayo nun lalo na po ni tatay, favorite nga po nya yung kanta mo na Paper Roses. Pakibati rin po yung mga kapatid ko na sina Ate Gina, Ate Mingming, Kuya Bodyi, at sa nakababata kong kapatid na sumakabilang buhay matapos uminom ng juice drink na inindorso mo. Walang hiya ka Ate Jolens, naniwala kami sa iyo pero ganun ang nangyari. Pero Ate Jolens mas matimbang ang pagmamahal namin sa iyo kaysa sa kapatid naming kaya Ate Jolens wag ka na mag-alala pinatawd ka na ng pamilya ko.

Matagal na po kami ng boyfriend ko. Mahal na mahal po namin ang isa’t isa. Natiis nya po ang aking ugali. Bago po naging kami ay may mas nauna pa po sa kanya. Sinabihan po ako nito na ang pangit daw po ng ugali ko dahil di raw po ako tuloy tuloy magkuwento. Hindi naman po yun totoo di ba Te Jolens, kung tutuusin nga po eh kino consider ko po ang sarili ko na straight to the point na tao. Napatunayan ko yun nung minsang magkakasama kami ng lahat ng miyembro ng Circle of Friends of Jolina Magdangal Quezon City Chapter sa awards night. Talagang inaway ko po yung mga taong nagsasabi na baduy daw po kayo.

Nagkakilala po kami ng aking dating boyfriend na si Renato sa isang coffee shop habang iniintay yung isa kong kaibigan na fan nyo rin po dahil balak po naming kayong puntahan sa shooting nyo ng pelikulang Puso ng Pasko. Talagang pinanood ko po yung pelikula nyo na yun pagkatapos ko pong manluhod sa mga ninong at ninang ko nung Pasko. Nakita ko nga po kayo nung premiere night sa SM North EDSA pero busy po kayo pero masaya pa rin po ang naging Pasko ko.

Yun nga po, hindi po sinasadya na natapunan ako ni Renato ng kape. Nagalit po ako nung una pero nawala din po iyon matapos nya akong ilibre ng cup cake na talagang paborito ko. Nag date na rin po kami nun. Natutunaw po ako sa mga titig nya. Di ko po mapigilang katihin dahil nilalanggam po ako dahil sa natapong kape sa damit ko, bukod pa po iyun sa kasweetan namin. Hinawakan po niya ang malalagkit kong mga kamay at hinalikan ito, lasang kape daw po at napakasarap. Di po niya alam kagagaling ko lang sa CR. Naaalala ko po tuloy yung teleserye nyo ni Kuya Marvin, yung Loves ko si Babes. Grabe po kinikilig po talaga ako sa tuwing maghahawakan kayo ng kamay. Talaga pong grabe ang pakiramdam ng mga nerves ko sa mga eksena lalo na kapag nagaasaran kayo.

Hinatid nya po ako sa bahay niya. Grabe napakalaki po ng kanyang bahay at nakilala ko na rin po ang kanyang mga magulang, sa kasamaang palad po ay nagkataong nakaburol po ang isa sa kanila. Nakakalungkot man po ay nakisalo na rin po ako sa pagkutkot nila ng mani at butong pakwan. Di na rin po naiwasan na nahatak ako sa talpakan at nakakahiya man pong aminin eh may negosyo po kami ng pasugalan sa probinsya. Kinanta ko rin po sa videoke ang theme song namin ni Renato sa videooke, ang Tsubatsutsu, sabay pa po kaming humahataw habang kinakanta yan.

Ate Jolens natulog po ako sa kwarto nya nung gabi nay un. Pagod na pagod po ako kababalasa ng baraha at nung gabi pong iyon ay siya naman po Ate Jolens ang binalasa ko. Binigay ko na po ang sarili ko sa kanya, ang buo ko pong pagkatao, gayundin po ang aking kaluluwa. Hindi ko po makalimutan ang gabing iyon dahil napakasakit po pala talaga pag first time. Nakakahiya man po eh first time din po ni Renato, kaya nanood po muna kami ng demo tape bago po namin isinagawa ang aming pagtatalik. Aaminin ko po Ate Jolens nabitin po ako. Masyado po kasing naging mabilis ang mga pangyayari. Nakatulog na po ako ng hindi ko namalayan.

Napakaganda po ng aking gising kinaumagahan. Napakalambot po ng hinihigaan ko at sinorpresa po niya ako dahil napapaligiran ako ng mga bulaklak at maraming ilaw.dib a po napakasweet non Ate Jolens? Grabe, kompleto po ang buong pamilya. Pagbangon ko late ko na pong narealize na katabi ko na po pala ang mama niya sa kabaong. Agad po akong bumangon. Nakalimutan ko po rin palang Magbihis kaya di sinasadyang hiniram ko po muna ang suot na Filipiniana ng kanyng mama. Kahiya hiya po talaga pero okey lang po. Inisip ko na lang po kung paano nyo hinarap ang mga intriga sa iyo lalo na nung nagdesisyon kayong lumipat sa Channel 7.

Naaalala ko rin po Ate Jolens nung nanood kami ng sine. Patawarin nyo po ako dahil pelikula ni Juday ang pinapanood naming nun, Esperanza. Kumakain po ng popcorn. Grabe ang ganda ng pelikula. Hinalikan po niya ako kasabay po ng kissing scene ni Juday at ni Wowee de Guzman. Niyakap po niya ako dahil nilalamig po ako, nakatapat po kasi yung air con sa muka ko. Grabe po napaka sweet namin. Natapos na po ang pelikula at bumukas na ang ilaw. Nagulat po ako na iba po ang katabi ko, sabay pagdating ni Renato na humihingi ng pasensya dahil hindi nakapagpaalam na nag CR pala. Nagulat din po ang lalaking napagkamalan kong si Renato. Umalis na sya at pinilit na lamang po naming na itago ang aming lihim.

Kumain po kami ni Renato sa Jollibee pagkatapos. Natuwa po talaga ako sa kanya dahil may baon na po pala siyang spaghetti na binili niya sa carinderya ni Mang Boy at may coke sakto pa. lagi talagang handa si Renato dahil may dala rin siyang abrelata. Enjoy po ako habang nagsusubuan po kami ng spaghetti. Napakahirap nga lang pong kumain ng spaghetti dahil wala kaming kutsara at tinidor. Naghugas na lang po kami ng kamay sa may CR.

Marami pa po kaming pinagsamahan grabe naka 23 days din po kami. Isang araw po ay pinili na nyang makipaghiwalay sa akin. Huminto po ang aking daigdig. Umiyak po ako ng bonggang bongga. Iniwan na niya po ako Ate Jolens. Di ko po alam ang gagawin ko! Gumuho po ang mundo ko sa aming paghihiwalay. Di ko po lubos maisip na mawawala na siya sa buhay ko. Napakahaba po ng aming mga pinagsamahan at di na po alam kung paano mabubuhay muli ng hindi siya kasama.

Nag abroad po ako para makag unwind. Bumalik din po ako agad sa Pilipinas para manood ng premiere night ng pelikula mong ITALY.

Nakilala ko na po ang lalaking akin pinakasalan ng minsang dumalaw ako sa GMA Network. Nagkabanggaan po kami, pero nagtataka lang po ako kasi parang kilala niya kayo. Grabe po Ate Jolens, nakipaghiwalay po siya sa girlfriend nya for 6 years para lang po sa akin di ba po Ate Jolens napaka sweet po niya. Ang cute din po ng nunal niya. Hadlang man po ang mundo sa aming pagmamahalan ay lumayo na lang po kami at nanirahan sa Thailand. Masaya na po kami ngayon Ate Jolens. Mayroon na po kaming mga anak na ipinangalan namin sa inyong dalawa ni Kuya Marvin. Marami pong pasasalamat Ate Jolens sa pakikinig sa kuwento ng aking buhay.

Hanggang sa muli po .

Ako nga po pala si Minda Munoz. Ang Asawa ko po ay si Bebong Munoz. Pasensya na po Ate Jolens akin na po siya ngayon.
LADDER OF SUCCESS


“Destiny is something people invented because they can’t stand the fact that everything that happens is the result of their choice.”


Aling Mameng


“Unti-unting mararating kalangitan at bituin unti unting kinabukasan ko’y magniningning…” iyan ang lagging kinakanta ni Susan habang nagwawalis siya ng kanilang bakuran.

Bata pa lamang si Susan ay natanong na siya ng kanyang ina kung ano raw ang gusto niya paglaki.

“Gusto ko po maging mayaman at magkaroon ng magarang kotse!” nagmamalaking sagot ni Susan habang kinakamot ang hadhad.

Natawa ang nanay dahil napakataas naman daw ng pangarap ng anak niya. Natuon ang buhay ni Susan sa pangarap na iyon, pero alam niyang imposibleng mangyari yun dahil nagtitinda lamang ng yema ang kanyang mga magulang. Masaya si Susan kasama ang walo pa niyang mga kapatid.

Nakapag-aral siya ng elementarya at high school sa tulong ng libreng paaral ng minisipyo. Mabait at matalino si Susan kaya marami ang tumulong sa kanya. Gustong kumuha ni Susan ng kursong Bachelor of Science in Volcanology Major in Volcanic Eruption pero wala na siyang pera. Namatay ang kanyang ama dahil sa amnesia at nakalimutang huminga at makailang oras lamang ay sumunod ang nanay niya matapos mapagkamalang baboyramo. Huminto si Susan at itinaguyod na lamang ang kanyang mga kapatid. Nagkapolio ang bunso niyang kapatid, ang isa naman ay naging pipi, ang isa ay nabaliw, ang isa ay snatcher, ang isa dahil sa sobrang kalungkutan ay sumapi sa kulto, at ang kaisa isang babaeng kapatid ay naging bugaw. Gusto na sumuko ni Susan. Pero naging positibo siya.

“Ay wannnnna quuiiiiiiiit!!!” naiiyak na sigaw ni Susan habang naglalaba.

“Hoy may natutulog!!!” sigaw naman ng kapit bahay.

Isang araw ay birthday ng kapatid nyang nabaliw. Namili si Susan sa Goldilocks ng cake bilang sorpresa dito ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nahulog siya sa isang creek habang papauwi. Inanod siya hanggang sa Manila Bay. Inakala ng marami na patay na siya at agad siyang inilibing. Nagluksa ang buong pamilya sa pagkawala ni Susan.

Isang supulturero ang nakarinig sa sigaw ng isang babaeng humihingi ng tulong mula sa ilalim ng lupa. Agad itong hinukay at natagpuan ang uhaw na uhaw na si Susan. Buhay pa pala ito.

Nagsimula muli si Susan. Brand new life and beginning. Lumuwas si Susan papuntang Maynila para maghanap ng trabaho pero naaksidente ang bus na sinasakyan niya at nahulog sa bangin, naospital siya at ilang buwan sa ICU. Sa ospital ay aksidenteng napainom sa kanya ng nurse ang muriatic acid at naturukan ng dugo ng kuto. Nacomatose si Susan, pero pinilit pa rin niyang mabuhay para sa kanyang mga kapatid. Gumaling si Susan. Habang naglalakad siya sa baywalk para sa kanyang healing therapy ay aksidenteng may tsunami at bumiyak ang lupa at sa kasamaang palad ay nahulog siya. Makaraan ang tatlong araw ay nahukay ng mga rescuer ang bangkay niya at milagrong nabuhay siya. Sa wakas ay nakahanap din siya ng trabaho sa isang canteen kung saan ay siya ang naging kusinera. Agad siyang sinipa matapos malason ang mga customer sa niluto niyang nilagang kamote, hindi sumuko si Susan dahil matatag ang kanyang layunin.

Ilang kompanya na rin ang nagreject sa kanya ngunit isang bigating TV Station ang tumanggap sa kanya, ang GMA7. Nakita ang angking galing niya sa reporting at dito at sumikat siya. Nagkaroon siya ng mga shows, isa na rito ang, “Kay Susan Tayo!”.

“Ako po si Susan Enriquez, at ako ang nagging inyong Saksi!!”
Marami man at mabigat ang nagging daan ni Susan tungo sa tagumpay ay naging hagdan pa rin niya ang tibay ng loob at pananalig sa Diyos.

HOUSE BILL NO. 1484


HOUSE BILL NO. 1484

Isinusulong sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pag amyenda sa konstitusyon. Ayon sa mga mambabatas ay babaguhin lamang nila ang ilan sa mga probisyong pang ekonomiya ng saligang batas. Matindi itong tinututulan ng mga militanteng grupo at mga grupong makaoposisyon. Ayon sa kanila ay taktika lamang daw ito ng administrasyon upang palawigin ang termino ng kasalukuyang pangulo na si Gloria Arroyo. Isa pa sa mga tinututulan ay ang pagbabago at pagdaragdag sa mga national symbols ng ating bansa.

Di na raw napapanahon at nababagay sa makabagong takbo ng teknolohiya ang mga simbolong kumakatawan sa ating bansa.

Ayon sa House Bill No. 1484, sisimulan ang pagbabago sa pamamagitan ng pagpapalit sa kapital ng Pilipinas. Nueva Vizcaya ang ipapalit sa Manila bilang kapital nito. Sa linis ng probinsya ay akma ito para maging capital city.

Pambansang Bayani: Si Rizal ay ituturing na lang na Bayani ng Lumang Panahon at ang Bayani ng Kasalukuyang Panahon at ang ituturing na pambansang bayani ay si Darna. Dahil ito sa walang takot at buong tapang na pagtatanggol sa buong sangkatauhan sa mga halimaw na gustong sakupin ang bansa.

Pambansang Dahon: Dahon ng malunggay, ito ay dahil sa nutritional value nito.

Pambansang Prutas: Caimito
Pambansang Sayaw: Poker Face
Pambansang Awit: Nobody
Pambansabg Kasuotan: Blouse at skinny jeans
Pambansang Pagkain: Calamares
Pambansang Sakit: Lagnat
Pambansang Hayop: Pusa
Pambansang Kamao: Manny Pacquiao
Pambansang Ilong: Allan K.
Pambansang Bading: Diego
Pambansang Sapin sa Paa: Havaiannas
Pambansang Artista: Valerie Concepcion
Pambansang Laro: Dota
Pambansang Biskwit: Sky Flakes
Pambansang Sasakyan: Wave
Pambansang Puno: Christmas Tree
Pambansang Kalamidad: Bagyo
Pambansang Gamot: Biogesic
Pambansang Kulay: Mint Green
Pambansang Kanin: Garlic Rice
Pambansang Insekto: Lamok
Pambansang Mantika: Golden Fiesta
Pambansang Pansit: Pansit Palabok
Pambansang Teleserye: Ngayon at Kailanman
Pambansang Bundok: Bundok ng Susong Dalaga
Pambansang Dyaryo: Ang Bagong Tiktik
Pambansang Parte ng Katawan: Tuhod
Pambansang Aklat: ABNKKBSNPLAko!?
Pambansang Author: Bob Ong
Pambansang Gulay: Kalabasa
Pambansang Damo: Bermuda Grass
Pambansang Sawsawan: Toyo
Pambansang Lapis: Mongol 2
Pambansang Pelikula: Panaghoy sa Suba
Pambansang Ulam: Spicy Mushroom with Yummy Tartar Sauce
Pambansang Isda: Janitor Fish
Pambansang Hanapbuhay: GRO
Pambansang Seasoning: Maggi Magic Sarap
Pambansang Tsittserya: Pritos Ring
Pambansang Pusa: Hello Kitty
Pambansang Halaman: Water Plant
Pambansang Ibon: Ibong Adarna
Pambansang Banda: 6Cycle Mind
Pambansang Singer: Jonalyn Viray
Pambansang Ice Cream: Gonzales Ice Cream
Pambansang Cookie: Cookie Chua
Pambansang Manok: Sarimanok
Pambansang Planeta: Uranus
Pambansang Bulaklak: Cauliflower
Pambansang Heavenly Body: Ulap
Pambansang Burger: Jumbo Burger
Pambansang Magazine: FHM
Pambansang Bold Star: Ina Raymndo
Pambansang Action Star: Lito Lapid
Pambansang TV Show: Itanong mo Kay Soriano
Pambansang Super Hero: Wonder Girls
Pambansang Dishwasing Liquid: Speed
Pambansang DJ: Mr. Fu
Pambansang Alak: The Bar
Pambansang Softdrink: Sparkle
Pambansang Bus: Jell Transport
Pambansang Salita: Ay
Pambansang Unano: Mura
Pambansang Asawa: Ramon Revilla Sr.
Pambansang Ina: Mommy Dionisia
Pambansang Anak: Ruffa Mae Quinto
Pambansang Linya sa Pelikula: Bull Shit!!
Pambansang Bata: Goyong
Pambansang Matanda: Daisy Romualdez
Pambansang Fastfood: Bureger Machine
Pambansang TV Host: Julia Clarete
Pambansang Ugali: Plastik
Pambansang Sakit sa Balat: Alipunga
Pambansang Krung Krung: Sandara Park
Pambansang Boyfriend: Hayden Kho

Capital of the Philippines: Nueva Vizcaya
Summer Capital of the Philippines: Saranggani Province
Landslide Capital of the Philippines: Leyte
Terrorist Capital of the Philippines: Sulu
Illegal Logging Capital of the Philippines: Isabela
Volcanic Eruption Capital of the Philippines: Albay

what can you say about my blogs?

Search This Blog

Followers