About Me

My photo
student and at the same time eh service crew sa isang fastfood. naiinip minsan sa buhay pero enjoy pa rin gagawin ang gustong gawin para maging masaya. sira ulo pero minsan lang.

Monday, August 17, 2009

Universal Love









UNIVERSAL LOVE

CREED OF LIFE: “Let your love be stronger than your hate and anger. Learn the wisdom of compromise, for it is better to bend a little than to break.”

Si Cupid, anak nina Psyche at Poseidon yata yun. Siya daw ang pumapana sa mga puso ng mga tao at magkakatuluyan nga sila.

Si Purita, choir sa simbahan, masayahin, palabiro, at mabait. Sa simbahan ay nakilala nya sina Bochok at si Browny. Cute sila, makisig at bibong bibo. Gustong gusto ni Purita na pumunta sa simbahan dahil sa kanila.Mas maraming talento si Bochok kaysa kay Browny kaya mas minahal ni Purita si Browny. Masaya sila kapag namamasyal sa isang park. Nagtatakbuhan. Nagyayakapan. Hinahalikan ni Browny si Purita, at kiliting kiliti naman siya dito. Si Browny ang laman ng puso at isip ni Purita hanggang sa umeksena si Bochok. Minsan ng nasakmal ni Bochok si Purita pero ayos lang sa kanya. May kaibigang beterinatyo sina Bochok at Browny na linggo linggo silang dinadalaw.

Sa isang pagkakataon ay hinigpitan ni Purita ang tali ni Browny at niluwagan kay Bochok.

Minsan ay palihim na lumalabas sina Bochok at Purita. Iginagala ni Purita si Bochok at tuwang tuwa naman siya sa tahol nito habang lumulundag lundag sa damo. At iniuwi na niya si Bochok sa simbahan, tahol ng tahol si Browny dahil naiihi na at mahigpit ang tali. Nabigti at napatid ang hininga ni Browny at namatay. Tumakbo ng malayo si Bochok at nasagasaan ng pison. Napisa si Browny.

Dahil sa sobrang lungkot ni Purita ay nag alaga na lamang siya ng pusa, si Muning. Hindi alam ni Purita ang lihim ni Muning, na ito pala ay galling sa Andromeda Galaxy at ito ay isa palang nagpapanggap na halimaw. Isang araw ay nawala si Muning, hinanap niya ito sa bukid at nakita sa dagat.

“Muning!, Muning!, tara dito!,”

Habang papalapit si Muning ay nagdilim ang buong kalangitan at kumidlat ng malakas. Tinamaan si Muning ng isang kidlat at nag iba ang anyo nito. Biglang sumulpot mula sa ilalim ng lupa ang mga halimaw-kuto at lumipad mula sa sa himpapawid ang mga ahas-monster na nagbubuga ng tutulilis na nakakalusaw. Si Muning ay naging isang UhoG-Unggoy. Galit na galit sila kay Purita at gusto nila itong ipalaman sa niluluto nilang banana split. Sumalakay ang mga halimaw-kuto sa ibat ibang bansa. Marami ang namatay! Namatay ang mga tao sa Pilipinas. At dito ay naisip ni Purita ang pamanang pasador ng lola niya. Ginamit niya ang kapangyarihan nito at sinambit ang mahiwaga at kakilakilabot na orasyon na natutunan pa mula sa nga sinaunang tao sa Mesopotamia.

“Bling!, bling!, eke eke abc tsup k ek, bubuchichang, pooooooooowwweeeeeerrrr!!!! Umulan ng manok-tuko!”

Umulan nga. Pinatay ng mga manok-tuko ang mga halimaw-kuto. Pero biglang nagsulputan ang mga halimaw-kuyumad! Tinawag na ni Purita ang mga engkantong dagat at duwendeng bundok. Tinawag naman ni Uhog-Unggoy ang mga katropa nito sa Big Star Galaxy at nagpadala ang pamunuan ng Galaxy ng mga tonetoneladang sabaw ng pinakuluang alipunga. Nagsagupaan ang mga ito. Kinailangan na ni Purita na isuot ang mahiwagang pasador upang magapi ang mga kalaban!! At sa tulong nito ay isang saging ang lumabas. Kinain ito ni Uhog-unggoy at nanghina.

“bakit nyo to ginagawa!?”

“ nais naming ipaghiganti ang aking Ama at kapatid!! Pinatay mo sila!!!” sagot ni Uhog Unggoy

“Pero sino?” nagtatakang tanong ni Purita habang nakakunot ang noo.

“nagmamaang maangan ka pa!? matapos mong ibigti ang aking kapatid at pasagasaan ng pison ang aking ama!?” naiihing himutok ng Uhog-unggoy.

Humungi ng tawad si Purita at naintindihan naman ito ni Uhog-Unggoy. Hanggang sa natutunan ng bawat isa ang kahulugan ng pag-ibig. Sila ang nagging hari at reyna sa kahiraan sa Galaxy na malapit sa Ursa Major. Si Jaclyn, ang diyosa ng tuko-monster, ay binayayaan sila ng mga anak. Sina Baboy-Baka, Aw-mani at Mumunggu.

No comments:

Post a Comment

what can you say about my blogs?

Search This Blog

Followers