About Me

My photo
student and at the same time eh service crew sa isang fastfood. naiinip minsan sa buhay pero enjoy pa rin gagawin ang gustong gawin para maging masaya. sira ulo pero minsan lang.

Monday, August 17, 2009

LADDER OF SUCCESS


“Destiny is something people invented because they can’t stand the fact that everything that happens is the result of their choice.”


Aling Mameng


“Unti-unting mararating kalangitan at bituin unti unting kinabukasan ko’y magniningning…” iyan ang lagging kinakanta ni Susan habang nagwawalis siya ng kanilang bakuran.

Bata pa lamang si Susan ay natanong na siya ng kanyang ina kung ano raw ang gusto niya paglaki.

“Gusto ko po maging mayaman at magkaroon ng magarang kotse!” nagmamalaking sagot ni Susan habang kinakamot ang hadhad.

Natawa ang nanay dahil napakataas naman daw ng pangarap ng anak niya. Natuon ang buhay ni Susan sa pangarap na iyon, pero alam niyang imposibleng mangyari yun dahil nagtitinda lamang ng yema ang kanyang mga magulang. Masaya si Susan kasama ang walo pa niyang mga kapatid.

Nakapag-aral siya ng elementarya at high school sa tulong ng libreng paaral ng minisipyo. Mabait at matalino si Susan kaya marami ang tumulong sa kanya. Gustong kumuha ni Susan ng kursong Bachelor of Science in Volcanology Major in Volcanic Eruption pero wala na siyang pera. Namatay ang kanyang ama dahil sa amnesia at nakalimutang huminga at makailang oras lamang ay sumunod ang nanay niya matapos mapagkamalang baboyramo. Huminto si Susan at itinaguyod na lamang ang kanyang mga kapatid. Nagkapolio ang bunso niyang kapatid, ang isa naman ay naging pipi, ang isa ay nabaliw, ang isa ay snatcher, ang isa dahil sa sobrang kalungkutan ay sumapi sa kulto, at ang kaisa isang babaeng kapatid ay naging bugaw. Gusto na sumuko ni Susan. Pero naging positibo siya.

“Ay wannnnna quuiiiiiiiit!!!” naiiyak na sigaw ni Susan habang naglalaba.

“Hoy may natutulog!!!” sigaw naman ng kapit bahay.

Isang araw ay birthday ng kapatid nyang nabaliw. Namili si Susan sa Goldilocks ng cake bilang sorpresa dito ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nahulog siya sa isang creek habang papauwi. Inanod siya hanggang sa Manila Bay. Inakala ng marami na patay na siya at agad siyang inilibing. Nagluksa ang buong pamilya sa pagkawala ni Susan.

Isang supulturero ang nakarinig sa sigaw ng isang babaeng humihingi ng tulong mula sa ilalim ng lupa. Agad itong hinukay at natagpuan ang uhaw na uhaw na si Susan. Buhay pa pala ito.

Nagsimula muli si Susan. Brand new life and beginning. Lumuwas si Susan papuntang Maynila para maghanap ng trabaho pero naaksidente ang bus na sinasakyan niya at nahulog sa bangin, naospital siya at ilang buwan sa ICU. Sa ospital ay aksidenteng napainom sa kanya ng nurse ang muriatic acid at naturukan ng dugo ng kuto. Nacomatose si Susan, pero pinilit pa rin niyang mabuhay para sa kanyang mga kapatid. Gumaling si Susan. Habang naglalakad siya sa baywalk para sa kanyang healing therapy ay aksidenteng may tsunami at bumiyak ang lupa at sa kasamaang palad ay nahulog siya. Makaraan ang tatlong araw ay nahukay ng mga rescuer ang bangkay niya at milagrong nabuhay siya. Sa wakas ay nakahanap din siya ng trabaho sa isang canteen kung saan ay siya ang naging kusinera. Agad siyang sinipa matapos malason ang mga customer sa niluto niyang nilagang kamote, hindi sumuko si Susan dahil matatag ang kanyang layunin.

Ilang kompanya na rin ang nagreject sa kanya ngunit isang bigating TV Station ang tumanggap sa kanya, ang GMA7. Nakita ang angking galing niya sa reporting at dito at sumikat siya. Nagkaroon siya ng mga shows, isa na rito ang, “Kay Susan Tayo!”.

“Ako po si Susan Enriquez, at ako ang nagging inyong Saksi!!”
Marami man at mabigat ang nagging daan ni Susan tungo sa tagumpay ay naging hagdan pa rin niya ang tibay ng loob at pananalig sa Diyos.

No comments:

Post a Comment

what can you say about my blogs?

Search This Blog

Followers