About Me

My photo
student and at the same time eh service crew sa isang fastfood. naiinip minsan sa buhay pero enjoy pa rin gagawin ang gustong gawin para maging masaya. sira ulo pero minsan lang.

Monday, August 17, 2009

SURVIVOR


Labing anim na Pilipino ang maswerteng napili upang maging kalahok sa susunod na Edition ng Survivor. Ang naturang Edition ay ang ianasahang pinakamalaki at pinakamagastos dahil ito ay gaganapin sa isang isla sa planetang Jupiter. Ang mga castaways ay ipadadala sa planeta sa pamamagitan ng mga inarkilang space telescopes sa NASA. Ang tribal council ay gagawin sa Ganymede, isa sa mga buwan ng planeta. Ang mga castaway ay iiwan sa planeta at kung sino man ang kaisaisang mabubuhay doon ng hindi mamamatay sa loob ng 39 days ang tatanghaling kaunaunahang Sole Survivor, ang mga natalo naman ay magiging Soul Survivor. Ang mananalo ay magkakamit ng isang tangke ng oxygen. Trip for two sa Uranus, at round trip ticket at exclusive tour sa mga rings ng Saturn. Ang MegaWorld na isa sa sponsor ng Survivor:Jupiter ay magbibigay rin ng isang exclusive na byahe sa Black Hole.

No comments:

Post a Comment

what can you say about my blogs?

Search This Blog

Followers