About Me

My photo
student and at the same time eh service crew sa isang fastfood. naiinip minsan sa buhay pero enjoy pa rin gagawin ang gustong gawin para maging masaya. sira ulo pero minsan lang.

Monday, August 17, 2009

DARNA!!!










Tinatayang may apat na pung milyong pamilya sa Pilipinas, ayon sa datos ng National Statistics Office nung 2007.[1] tatlumpung porsyento sa mga pamilyang ito ay nakakaranas diumano ng matinding gutom at ang natitirang pitumpung porsyento ay nakararanas naman ng matinding kabusugan.

At ngayon ay walang kaabog-abog kong ipinakikilala ang isa sa apat na pung milyong pamilya sa Pilipinas (ang natitirang tatllong milyon siyam na raan siyam na put siyam na libo siyam na raan at siyan na put siyam na pamilya ay saka na lamang ipakikilala sapagkat baka abutin tayo ng habambuhay)

Ang kasaysayan ng pamilya Dela Cruz ay naguugat pa sa malalim na kasaysayan ng Bukidnon. Ang pamilya ay itinaguyod noon pa lamang panahon ng Lumang Bato sa pamamagitan ni Don Bibo, ang may ari ng kilalang pagawaan ng eskoba sa probinsya. Nagkaroon ng maraming anak sa iba’t ibang babae at ngayon ay nahihirapan ang iyong linkod na hanapin ang sanga kung saan ang magiging bunga ay si Caloy Dela Cruz.

ANG MAG-ASAWA

Si Calculator “Caloy” Dela Cruz ang padre de pamilya ng pamilyang ito. Ang pangalan niya ay hango sa calculator dahil kung hindi mo naitatanong ay aksidenteng nalulun ng kanyang nanay ang isang calculator habang ipinagbubuntis siya nito. At gaya nga ng inaasahan ay naging magaling si Caloy sa math, algebra, trigonometry, calculus, accounting, at mga aspetong kinakailangan ng math. Madalas tuksuhin si Caloy nung bata pa siya dahil sa 0 to 9 na number sa ngipin nya. Dahil dyan ay nagkaroon siya ng matinding trauma. Madalas syang tulala at nakatitig sa malayo. Sa eskuwelahan ay madalas syang ipanlaban ng kanyang titser sa mga competition at madalas itong nanalo. Dahil sa galing niya ay nagpalabas ang order ang DECS na hindi na sya makakasali sa mga contest dahil maraming mga magulang ang nagrereklamo sa sobrang insecurity.

Parang ang boring yata ng kuwento na to noh hehe. Commercial muna. Say this five times: waahh... waaah... waaaaahhh.. wah! Weee.. Wowoweeee!!!! Okey na? hindi pa rin grabe naman.. ok cge.. mmmaaaa... maaaahh.. mahhhh... nok... manok! Ok na ha..

Kumuha si Caloy ng kursong engineering nung college at yun nakagraduate sya at naging topnotcher sa board exam. Magaling si Caloy sa mga bagay at mga sitwasyong kailangan ng numero. Sa trabaho ay nakilala niya ang kanyang naging asawa na si Alma.

Si Almanac “Alma” Zaide-Dela Cruz ay anak ng di ko kilalang tao. Ayon sa usap usapan sa mga tindahan at talipapa si Alma raw ay anak ng kilalang historian na si Sonia Zaide na diumano ay nakalunok ng almanac habang ipinagbubuntis si Alma. As expected ay naging magaling si Alma sa History. Alam niya ang kasaysayan ng bawat bansa, bawat bayan, mga alamat, kuwentong bayan, kasaysayan ng bawat tao, bawat planeta at lahat ng bagay na makasaysayan. Kumuha siya ng kursong Geography nung college at nakagraduate naman siya. Pumasok siya sa isang Construction Company kung san niya nakilala ng di sinasadya si Caloy.

Nagkakilala ang mag-asawa sa hindi sinaadyang pangyayari. Kinailangan ni Alma na icompute ang kanyang mga utang at ayun tinulungan na siya ni Caloy kahit bahagyang nahihiya sa nangyari. Simula noon ay naging magkasundo na ang dalawa dahil tinutulungan naman ni Alma si Caloy sa pag-aayos ng magiging takbo ng buhay nito.

Maraming di pagkakasundo ang mag-asawa dahi minamanduhan lagi ni Caloy ang kanyang asawa sa lahat ng galaw nito dahil laging de-numero ang galaw nito. Si Alma naman ay laging hindi makalimutan ang nakaraan.

Paikliin na nga lang tong kalokohan na to naboboring ako.hehe

ANG MGA ANAK

Nagkaroon ang mag-asawa ng dalawang anak. Ang panganay ay ang babae na si Mat. Maria Atlas Dela Cruz. As usual, nakalunok si Alma ng Atlas nung nagbubuntis ito. Napakasaklap ng kapalaran ni Mat dahil puro mapa ng libag ang buo nitong katawan napakinabanagan naman si Mat dahil siya ang ginagawang illustration ng teacher niya pag nagdidiscuss ng Philippine at World Geography. Naging kapakipakinabang din si Mat dahil hindi sila naliligaw dahil may road map siya malapit sa batok. At na feature siya sa National Geographic dahil ang mapa ng Yamashita at mga natatagong yaman sa mundo ay nakadrawing sa kanya. Kompleto si Mat dahil meron itong political map, climate map, at floor map. Nahirapan si Mat sa kanyang sitwasyon kaya nung minsang naliligo siya ay tinagka niyang hiludin ang mapa ng libag pero napigilan naman siya ng kanyang nakababatang kapatid na si Dick.

Si Dictionary “Dick” Dela Cruz ang bunsong anak ng mag-asawa. Si Alma ay aksidenteng nakalunok ng English-Tagalog Dictionary habang ipinagbubuntis si Dick. Magaling si Dick sa English. May masama nga lang itong ugali at iyon ay ang bigyang kahulugan ang lahat ng nangyayari at nagaganap sa kanyang paligid.

BALIW NA PAMILYA

Sa hapag kainan habang naghahapunan...

Caloy: 25 minutes lang ang pagkain. Kung susubo kayo ng isang kutsara sa kada tatlong segundo ng isang 150 grams ng kanin ay matatapos kayo sa loob lamang ng 15 minutes. Tapos ay kakain kayo ng 1500 calorie na dessrt sa loob ng 5 miutes sa bilis na 35 miles per hour at magpapahinga sa natitirang 5 minutes kung saan ay hahayaan natin ang ating tyan na iabsorb ang lhat ng pagkain. (ay ewan)

Dick: oh bakit ang ganyan ka makatingin Ate!!? Siguro may dumi ako sa muka, siguro may iniisip ka na nakakatawa, siguro pinagusapan nyo ko kanina, siguro nagagawapuhan ka sa akin, siguro ikaw yung kumuha ng wallet ko...

Alma: oh tama na yan!! Akala nyo siguro hindi ko naaalala yung mga pinaggagawa nyo nung June 19, 2005 sa ganap na alas kwatro ng hapon noh. Pinatawag ako ng principal dahil nag away na naman kayo birthday pa man din ni Rizal at ikaw naman ano yung nangyari nung December 10, 2008, tinapat mo pa talaga sa araw kung saan pinirmahan ng Espanya at ng Amerika amg Treaty of Paris nung 1898. di ko nakakalimutan yon saksak nyo yan sa mga baga nyo!!!!!

Mat: may lumitaw na bagong mapa ng libag sa akin, nandito na rin po yung mapa ng papunta sa katapusan ng kuwentong walang kalatoy latoy.hehe

Naging masaya ang pamilya at sa paglipas ng panahon ay nakalunok ng kung ano anong bagay ang mga asawa ng mga tao. Ang isa ay nakalunok ng cookbook at naging magaling na chef ito, nakalunok ng wahing machine at naging magaling na labandera, nakalunok ng rugby at naging drug addict, nakalunok ng microphone at naging singer, ng lagari at naging karpintero, ng manibela at naging driver, ng korona at naging reyna, at ang huli ay nakalunok ng bato at naging si... DARNA!!
[1] Ang datos na iyan ay ‘tsamba lang. hehe

No comments:

Post a Comment

what can you say about my blogs?

Search This Blog

Followers