About Me

My photo
student and at the same time eh service crew sa isang fastfood. naiinip minsan sa buhay pero enjoy pa rin gagawin ang gustong gawin para maging masaya. sira ulo pero minsan lang.

Monday, August 17, 2009

GLOBAL WARMING



Ang arikulong ito ay tumatalakay sa masusi at mabusising pag-aaral ng mga siyentipiko. Sa pakikipagtulungan ng National Geographic, Discovery Channel, NASA, at ng Trust Quality Condom.

Palala na ng palala ang mga problemang nag-uugat sa Global warming o ang unti unting pagtaas ng temperature sa mundo. Ayon sa mga pag-aaral ay natuklasan nila na ang di tamang pagdispose at paggamit ng mga condom ay isa sa mga contributor sa mas marami pang sanhi ng global warming.

Ayon sa pananaliksik na pinangunahan ni Dr. Santiago Santiago ng France, ang condom daw di umano ay naglalabas ng mga greenhouse gases na kasing dami ng greenhouse gases na inire release na katumbas ng 50 kotse, kung hindi ito naitapon ng tama. Kaya he suggested na ang mga condom ay ipakain sa mga tupa upang ito ay mapakinabangan.

Ang suhestiyong iyon ay umani ng mga papuri at parangal mula sa iba’t ibang bansa ksama na ang iba’t ibang mga medical institutions sa mundo. “The research conducted by Dr. Santiago was a magnificent idea! Who in the world would think of that! I really commend him for his bright and intelligent research.Good job!” ( Sa Tagalog: ang pananaliksik na ginawa ng pesteng doctor Santiago nay an ay kahiyahiya! Sinong tanga ba sa mundo ang makakaisip ng ganyang mga ideya! Papatayin ko siya sa isang bobo at napakawalang kwentang pag-aaral. Buwisit!) Ayon sa isang doctor sa Germany. Dahil din sa pag-aaral na ito ay tinanghal ng Time Magazine si Dr. Santiago bilang Man of the Year kasabay nito ang parangal mula sa Forbes Magazine bilang Best Greatest Doctor Alive. Pinag-aaralan din sa Vatican ang pagiging santo niya at sa pananaliksik din na ito ay nagbukas ang pinto sa pagkakadiskubre ng mga gamut sa AIDS, cancer at amnesia.

Ang doctor ay sinaluduhan di lamang ng mga kapwa katrabaho ngunit gayundin ng mga mamamayan sa mundo.

“…my greatest legacy is to heal the world and make it a better place for you and for me and the entire human race…” Isang linya sa talumpati ni Dr. Santiago Santiago sa Poland.

Si Dr. Santiago ngayon ay abala sa paglibot sa bawat panig ng mundo upang magbigay ng mga inspirational na mga pananalita. Sa pagdalaw nito sa Pilipinas kamakailan lang ay nagkaroon pa ito ng recording album na agad ay nagging triple platinum. Dalawang sold-out na concerts sa Araneta at Aliw Theater. Nagkaroon din ng soap kung saan phenomenal ang ratings, kinalaunan ay naitambal kay Marian Rivera upang gumawa ng pelikula na nagging All-Time Philippine Box-Office Hit na kinabog ang ticket sales ng Transformers at You Change My Life. Sa pagtagal ay namatay na si Dr. Santiago dahil sa sobrang kalasingan. Dinala ang mga labi nito sa bayan ng Mariae sa France at bilang paggalang sa natuklasan, ang bangkay nito ay ipinakain sa mga tupa.

No comments:

Post a Comment

what can you say about my blogs?

Search This Blog

Followers