About Me

My photo
student and at the same time eh service crew sa isang fastfood. naiinip minsan sa buhay pero enjoy pa rin gagawin ang gustong gawin para maging masaya. sira ulo pero minsan lang.

Monday, August 17, 2009

CP INvasion!!!

Zero to nine na numbers, isang asterisk at # sign may speaker at antenna. May kalendaryo, calculator, organizer, radio, tv, orasan, camera, video, laruan, nasa cellphone na ata lahat lahat ref na lang ang kulang.

First year high school ako ng unang sumagi at nanuot sa kamalayan ko ang tungkol sa cellphone. Ito yung teleponong pwedeng dalhin kahit saan, malayo sa imbensyon nuon ni Alexander Graham Bell. Wala pang usong model nuon kasi basta may cellphone ka lang ok na.

Madalas kami sa Sunshine Mall noon kasi doon may nagbebenta ng cellphone. Sa school iilan pa lang yung meron nun at 3310 pa yung kumbaga eh pinakasikat ng mga oras nay un, second sa ranking 3210 yung kung idescribe eh mas malaki kaysa sa 3310 susunod sa linya ang mga cellphone na may mga antenna tulad ng Motorola, Sony Ericsson, Samsung at kung ano anu pang hindi Nokia.

June 2001, nagkaroon kami ng cellphone!!! Wohooo.. feeling naming makakalevel na kami hehe. Natatandaan ko pa galling ako sa meeting ng SSC sa school at yun nga may kinakalikot na yung kapatid ko at yun nga cellphone. Parang sobrang excited na hindi maintindihan ang pakiramdam! Motorola yun, P2999 ang bili ni Mama, pantawag daw naming kay Papa sa abroad.

SIM Card

P600 pa ang sim na Globe P500 ang smart at yung nabili ni Mama ay yung tig P300 lang, Talk n Text. Grabe noh kaya siguro mas marami yung Smart up to now kasi can’t afford ang Globe. Naman at kung titignan mo ang presyo ng sim card ngayon, papatay ka ng aso sa sama ng loob.hehe Mababa pa kasi siguro yung demand nun kaya ang tayog ng lipad ng pangarap. Buhay pa ang sim card nay un up to now grabe.

FIRST TEXTS

Si Cassandra ang kauna unahan kong katext nun kasi sa klase naming sya pa lang yung talagang meron ng sariling cellphone. 3310, madalas nga naming hiramin para maglaro ng Snake, ang pambansang laro sa Pilipinas nung taon nay un sumunod ang Space Impact at Bantumi. Tinawagan ko siya sa telepono para itanong ang number nya, naks naman dib a.hehe For the record sya ang kauna unahan kong naitext.

TEXTM8Ts

Nahihiya pa ako sa cellphone naming nun kasi pag hindi Nokia hindi ka in kaya pag tinatanong ako kung ano yung cellphone naming ay hindi ako sumasagot. I have my right to privacy.hehe Narinig ko pa sa katabi ko na yung mga mga cellphone daw sa kanila pinaglalaruan lang ng mga bata sa bahay, ayos dib a anak ni ayala.haha

Ano nga ba ang kahulugan ng textmates. Hindi ko pa siguro talaga maabsorb nun kung ano basata ang definition ko lang nun pag tinatanong ko kung pwede makipagtextmate ay kung pwede kitang irext di ko naman alam na iyun yung maya,t maya ay magtetext ka sa kanya. Eh ang mahal pa naman ng text noon, yung simpleng “hi” mo lang piso na ang halaga unlike ngayon na wala na siyang halaga.

INCOMPATIBLE MESSAGE FORMAT yan yung madalas na text sa akin ni Cassandra. Di ko alam kung ano,then later on ay napag alaman ko na picture messages pala yun. Sobrang dami, di kasi nakakareceive ng mga pic msgs ang cellphone naming kasi 2-lined lang siya. Ang mahal pa naman ng send ng picture message noon P15 pesos para sa cute na picture ni Hello Kitty.

LOAD

Ang pinakamurang load nun ay P300 naka card pa nga eh na kinikiskis, nagkaroon ng PureTxt at yan saka naimbento yung mga electronic loads. At buhat noon ay hindi na ako nakahawak ng card na tig P300. nakakamiss din pero okey lang hehe.

NOKIANG PINAKAMAMAHAL

Dalawang taon din akong naghintay laganap na ang cellphone virus sa buong Pilipinas. Dumami ang cellphone repair shop, tindahan ng mga second hand na cellphones. Dumating si Papa noong 2003, bakasyon at mag third year college na ako. Nagkaroon ako ng sariling cellphone!! As in akin na yung pwede ko ng dalhin kahit saan at pwede na akong magtext kahit kanino. Bumili kami ni Mama sa may palengke, second hand sya. Syempre gusto ko Nokia para makapaglaro na ako ng Snake sa bahay at mag compose ng ringtones. Pinagpilian naming between 3310 and 3210, mas mura ang 32 kaya duon ako nauwi pumayag na rin ako dahil di pa naman ganoon kababa ang pagtingin ko sa model ng cellphone nay un.

Pinilit pa naming itago kasi nga ayaw ni Papa pero hndi rin naman nagtagal eh ayun nabunyag din ang katotohanan. 3315 na yung pinakasikat na model noon at hindi pa anamn ako nahihiya na ilabas yun in public dahil may mga kauri pa naman ako. Haha sa klase ay iilan na lang yung wala nun,hehe.

Yun na yung cellphone ko nung nauso ang unlimited text at grabe luging lugi ako dahil one by one ko syang isesend unlike sa iba na may send to many at send to groups. Di ko naman ininda dahil enjoy ako. Grabe nun lang nagkaroon ng kahulugan ang salitang cellphone. Ang saitang “unli” muntik ng masama sa Dictionary. Pag di ka unli parang feeling mo patay ka na.

UNLI B U?

Kakaiba ang bawat umaga ko ng nagsimula ang unli, doon lang nag ’54 messages received’ ang cellphone ko dahil sa mga naipong texts nung gabi. Isa isa mo ngayong babasahin at rereplyan at yun duon na ulit tatakbo ang buong magdamag ko. Sagabal pag lobat. Parang feeling ko may taning na ang buhay ko sa araw ng expiration ng unli ko. Natuto rin ankong magpuyat dahil doon, sisusulit ang bawat Segundo para magtext.

UNLI Mania!!!

Maraming nauso dahil sa unli. Nauso ang clan, di sila magkakamag-anak feeling lang nila. Mga pesteng chain messages, mga mensahe sa mga santo, lucky bees, gold coins, mga sumpa at mga kababalaghan na kung hindi ipasa ay mamamatay ka o yung isa sa mga kamag-anak mo. Kakapasa ko pa lang meron na naman. Pang asar sa buhay. Nauso ang true meaning of textmates. Nauso ang ligawan sa text na di naglalaon ay tumutuloy sa kasalang bayan. Sexmates, games at kung anik anik pang mga kalokohan. Di naglaon ay napagod rin ang sambayanan sa kapipindot.

First year college ako yung 3210 pa rin ang cellphone ko at during that time eh KKK na ang turing sa cellphone nay un as in Kahiyahiya, Katagotago at Kalimotlimot. Nagging symbol of status na rin kasi sa society ang cellphone. Para sa akin, wala naming masama sa kung luma eh sadyang naimbento na rin kasi yung mga taong di mapigilan magisip ng kung ano man at magfeeling elite. Mga pasaway buwisit!!

Nalungkot naman ako ng mawala ang pinakamamahal kung 3210. nawala sya ng kuya ko nung hiniram nya. Nalungkot ako ng konti pero natuwa rin kasi ibig sabihin eh mapapalitan na sya ng bago, di ko pa nga lang alam kung kalian, pero I’m looking forward sa araw na iyon.

WELCOME 3530!!

Nagtrabaho ako sa mcdo at nakabili ako ng bagong cellphone!! Colored sya pero walang kamera pero ok slang. 2700 yun, wala lang. sya na ang nakasama ko sa mga dumating na panahon. Gusto ko dun yung message counter kung nakakailang text nab a ako. Nagging best bud ko yun sa maikling panahon.

FAREWELL

Nalungkot ako nung binenta ko yun para may pambayad sa English. Grabe ang bigat ng pakiramdam. Binenta ko sya for P500 lang, napilitan na ako dahil kailangang kailangan na. grabe pero ganun talaga siguro ang buhay. Tinago ko pa nga kay Mama eh. Ewan ko yung oakiramdam pero parang naaawa ako sa sarili ko nun.huhu nung gabi ring iyun ay binenta ng pinsan k okay Mama yung cellpphone nya. 3510. P800 nga lang eh.hehe marami pang nangyare after this nagging 5110 na hiniram naman ng binilhan ko ng 6600 kong cellphone ngayon. Ang sarap mag picture picture at mag video. Feeling artista.hehe may send to groups na rin kaya din a ako nahihirapan.hehe

Marami ngayon kasama ako ang matatalo sa Spelling Bee dahil sa cellphone. Marami ang mamamatay pero di ako kasama doon kung walang cellphone. Kung may mabuti mang naidulot ang bagay na ito iyon ay ang pagkakaroon ng sandamakmak na…

SCANDAL.

No comments:

Post a Comment

what can you say about my blogs?

Search This Blog

Followers