About Me

My photo
student and at the same time eh service crew sa isang fastfood. naiinip minsan sa buhay pero enjoy pa rin gagawin ang gustong gawin para maging masaya. sira ulo pero minsan lang.

Monday, August 17, 2009

Mysteries Unfold



Naniniwala ka ba sa mga engkanto, laman lupa, duwende o kabilang buhay. Maraming misteryo sa mundo ang hindi maipaliwanag ng mga tao. Isang masusing imbestigasyon ng mga eksperto sa paranormal, normal at ng mga abnormal, ang katotohanan sa likod ng mga isyung wala pang kasagutan hanggang sa mga oras na ito.

Ito ay sinaliksik nina Mang Kepweng, isang magsasakang hobby mangulangot. Si aling Bireng, ang pinaka mapagkakatiwalaang katulong ng mayor ng Antipolo, Rizal. Si Posso, suki sa tindahan ni Gwapa. At si Lou Vugga, ang kaisa isang may third eye sa Barangay Project 2. ang naturang mga personalidad ay walang takot na hinarap ang kanilang mga takot para lutasin ang pinakamalala at pinakamalaking tanong di lamang ng mga Pilipino pati na rin ng mga Hapon, Tsino, Pranses, Brazillian, Vilmanian, Noranians, at Dalmatians.

DUWENDENG ITIM!!

“Ikaw!!! Makasalanang nilalang!! Papatayin kita!!” siagaw ni Jessa isang babaeng sinapian umano ng duwende

“maghunos dili ka!!” sigaw ni Ben, anak ni jessa sa tricycle driver na may polio.

“woooarrrr!!!!! “ nakakatakot na tugon ni Jessa

Ipinatawag ng taong bayan si aling Bireng. Agad dumating ang maaasahang katulong. Natulala ang mga tao sa pagdating ni Aling Bireng.

“Hey! Wazzup!? Wats going on!?” pagmamalaking bungad habang nagtatanggal ng shades.

“sinasapian si Jessa!” tugon ni Ben.

“And then”

Sinakal ni Jessa si Bireng at sa ilang sandali ay dumilim ang paningin ni Bireng. Paggising nito ay nasa loob na siya ng isang higanteng palayok at napaliligiran ng mga itim na duwende, tikbalang at mga aswang. Nabigla si Aling Bireng sa mga nakita.

“totooo pala kayo!” gulat na gulat na nasambit ni aling bireng.

tumahimik ang paligid sa pagdating ng makapangyarihang hari ng ilalim na daigdig.

“pakawaln mo ako!! Damn you! How dare you to do this!!”

Nabigla muli ang lahat sa walang takot na pagsalungat ni Bireng sa Hari.

“shut up, Bitch!!” galit na galit na tugon ng Hari na noon ay kagigising kaya mainit ang ulo.

Inutusan ng hari na ikulong si Bireng sa isang kaldero upang hindi na ito makapaminsala.

ASWANG FEVER

SA MUNDO NG MGA TAO…

“Nsaan na yang magling mong katulong?” tanong ni Mayor sa anak niyang si Posso.

“malay ko po, nandyan lang po siguro yun nagdidilig.

Si posso ang pangalawang anak ni Mayor Ed. Kilala ang anak niya sa bayan dahil sa pagiging adik nito. Namatay ang asawa ng mayor matapos mapagkamalang aso sa bukid, aksidente syang nataga ni Mang Kepweng. Sa kabila ng lahat ay nagging malapit ang loob ni Posso sa magsasaka ng marijuana.

“ay! Ay! Ay! Saaaaaakkkkloluuuuuuuuu!!!!” sigaw ni posso matapos humithit ng shabu.

“wag ka ng sumigaw walang nakakarinig say o!!” sambit ng isang babaeng nakatokong.

Pinapawisan na ng malagkit si Posso.

“pe.. pppperro… bakit!”

“ayan na naman ang anak ni mayor mukang nakatira na naman” say ng isang estudyante sa kausap nitong bata.

“waaaaaahhhh!!!” nagwawalang sigaw ni Posso na pumaimbulong sa buong bayan.

Nagkagulo ang mga tao. Dumating ang ambulansya, mga bumbero, nurse, engineers, mga artista at mga computer technicians.

“anong kaguluhan ito!!!?” tanong ni John Lapus

“mukang nakakakita na naman ng asuwang si Posso!!” walang habas na pagsabat ni Aling Aida.

Kumaripas si John ng takbo dahil sa sobrang takot. Ipinatawag si Mang Kepweng.

“anong problema anak?” tanong ng magsasaka sa adik na nagwawala.

“si mommy!!! Ayan sa likod nyo!!”

Nagtakbuhan ang mga tao at nagmistulang ghost town ang buong bayan.

Umulan ng malakas. Bumagyo sa loob ng isang taon matapos ang pangyayaring iyon.

SA PAARALAN…

“I am a youth!!!...”

“Very good Lou!!” sambit ni Sir Freddy.

“hayop ka walang anuman!!”

Usap usapan sa buong bansa ang nangyayaring misteryo sa bayan ng Burang, sa Barangay Project 2.

Si Lou ang kaisa isang may third eye sa buong Barangay, ang ngayon ay inaasahan di lamang ng bayan kundi pati na rin ng buong mundo sa napipintong pagsakop ng mga nilalang mula sa ilalim na daigdig!

Bilang paghahanda sa nalalapit na laban at sa mabigat na responsibilidad na iniatang ng mamamayan ng ibabaw na daigdig sa kanyang mga balikat ay pinuntahan niya ang buhay na anito sa kuwebang asul, na si Arvie.

Agad itong humingi ng payo at kapangyarihan upang gapiin ang mga elementong sasakop sa mundo. Ibinigay ni Arvie ang hinihingi sa dalawang kundisyon na agad rin namang ibinigay ni Lou.

Di nagtagal ay bumiyak ang lupa, naglabasan mula rito ang mga duwende, tikbalang, white lady at mga tiyanak. Sa himpapawid ay naglilipran ang mga mananaggal, engkantong hangin at alien predatoras. Sa tubig ay lumusob ang mga elementong bulig, kabayong tubig at isdang ilog!!!

Nagdeklara ng global state of emergency ang United Nations at inatasan nito ang presidente ng bawat bansa na sugpuin ang mga nilalang na ito.

“today I hereby declare the whole Phippines to be under the law of diminishing returns, and so order” tugon ni Pangulong Ulupong sa interview sa TV.

Itinaas at ipinatupad na ng mundo ang Global Shocking Power pero hindi ito nagtagumpay dahilan upang bumagsak ang Roma sa kamay ng mga duwendeng itim.

ATTACK OF THE HORSES

Hindi na makawala ang mundo sa pangaalipin ng mga halimaw na ito at sa pagmamalupit ng mga engkantong dagat!!!

Wala ng pag-asa!!!

Nabawasan ang populasyon ng mundo, laganap ang gutom.

Sa Project 2…

“this is it! This is my time to shine!! I AM THE NEXT BIG STAR!!!”

Sumahimpapawid ang isang malaking bituin upang iligtas ang sangkamunduhan sa pananalakay na ito ng mga engkanto.

Nabuhayan ng loob ang mga tao!!

“hep hep hurrrrayyyyy!!!” sigaw ng mga tao.

Sa ilalim ng daigdig…

“pakawaln ninyo ako sa kalderong ito! Mga hayup!!! I hate you all! I can’t take this anymore. Let justice prevail ano ba talaga ang need nyo!? Let’s talk about this!!!!” sigaw ni aling Bireng

“kailangan namin ang dugo mo!!”

“what’ okey okey, you get it na so I can go home na owkkey!!!”

Sa bahay ni Mayor…

“ako ang tunay mong ama, anak ka namin ng nanay mo!!” pagbubulgar ni Mang Kepweng na ikinabigla ni Posso.

“oo ako nga, at nung gabing magtatanan na kami ng yung ina papaalis sa aming bukid ay binaril sya ngiung ama na si mayor ed at pinalabas na ako ang puamatay matapos mapagkamalang aso ang iyong ina!!” dagdag ni Kepweng

Muling nagpakita ang aswang na ina kay posso.

“totoo po bay un inay, wag po kayong magsisinungaling. I hate liars ang I need the truth!!” pagmamakaawa ni Posso

Natigilan ang aswang na ina at ang kanyang nasambit…

“confirmed.”

Inatake sa puso si mayor at namatay. Nagsama ang mag-ama sa bukid na kaniyang tinutuluyan.

“anak meron akong ipagtatapat sa iyo”

“na naman!? Grabe ang daming revelations.. okey go!”

“ito ang anting anting na iniwan sa akin ng iyong ina bago siya nawala sa earth at inihabilin nya ito na ibigay sa aking anak sa araw na malaman niya ang katotohanan. Ang iyong ina ay ang orihinal na SuperDarna, huminto siya sa obligasyong yun matapos nyang mapatay si Hitler noong Ikalawang Digamaang Pandaigdig, at ngayon anak ay panahon na para ipasa sa iyong mga kamay ang kapalaran at hinaharap ng mundo, kailangan mong tulungan ang isang bituin upang mabuo ang isang tambalang magpapataob sa mga halimaw mula sa ilalim na daigdig!” rebelasyon ni Kepweng

“pero…” sabat ni Posso

“wala ng pero pero basata gawin mo na lang, para sa akin, sa iyong ina at para sa pansit malabon na malabo mo ng matikman kung masakop ng mga halimaw ang mundo.”

Isang maliwanag na bituin ang nagliwanag sa himpapawid…

Nagliwanag maging ang pinakamadilim na bahagi ng mundo matapos lumipad mula sa kalangitan ang isang berde at isang asul na bituin!!

Nagsalpukan ang dalawang bituin sa isang bansa na malapit sa ekwador. Nabuhayan ng loob ang mamamayan!

Nasindak ang mga halimaw at lalong pinahirapan ang mga tao!!!

“ano ba tignan mo naman ang dinadaanan mo!!” galit na sabi ni Lou

“okey!” sagot ni Posso

Nagtaka ang dalawa sa taglay na liwanag at kapangyarihan ng bawat isa. Nakita ng isa’t isa ang kuwintas at binuo nila ito. Sabay nito ay nagsamasama ang mga bituin sa buong universe at nabuo nga ang isang tambalan na gagapi sa mga mananakop.

“sa ispirito ng liwanag ng pagmamahal at katarungan para sa lahat…”

“sa ilalim ng kapangyarihang tatalo sa masasama…”

“ako si Nardong Ginto, handang lumaban para sa mundo!”

“ako si Super Durna handang ipagtanggol kayo!”

“kami ang tambalang sobrang bangis na tatalo sa inyo!!!”

Limang makapangyarihang pinuno ng bawat lupon ng mga engkantong halimaw ang humarap sa mga tagapagtanggol!!

“bvvvveeerrr, errrrrvvv errrrbbbvvvv vvvverbbb!!!” sigaw ni tikbalang hayop

“super wavvvahhh!!!” at lumupig sa higanteng kabayo ang langis na nagmula sa panis na sinigang na inulam nina posso nung gabi. Nanlumo ang tikbalang sa asim nito at agad itong nagpakawala ng likidong mula sa pinagmumugan ni Angel Locsin.

“I can’t take this!!!” agad na umisip ng paraan si Nardong Ginto

Pinasabugan ni Nardo ng utot-sago ang tikablang na ikinamatay nito. Ang tikbalang hayop pala ay nagkubli sa katauhan ni Roderick Paulate na noon ay gumanap na Petrang Kabayo. Ikinalungkot ito ni Nardo, Napalaya ang mga bansang sinakop ng mga kabayong tao na ito kabilang na ang bansang Ehipto.
Apat na puwersa mula sa isang mananaggal, aswang, balyenang hangin at duwende ang sumunod na kalaban.

Sinampal ng pakpak ng manananggal si Super Darna at gumanti naman agad ng suntok ito sa tiyan ng manananggal.

Pinaluputan ni Super Durna ng isang mahabang longganisa sa leeg ang halimaw na ito at sumuka ito ng isang malapot na berdeng dugo na sumambulat sa muka ng tagapagligtas na ikinalapnos ng muka nito.

“hindi na makakita si Super Durna!!” takot na takot na sambit ng mga tao

Sumalakay ang mga paniki at tinuka ang mga taong nanonood sa laban ng taon!!

Naihi si Super Durna sa kaba at aksidenteng nalaglag ang ihi nito sa kaputol na katawan ng mananaggal na ikinamatay nito dahil sa salt content ng ihi nito. Ang mga paniki ay naglaho at nagtransform bilang mga kalapati.

Nahilo si Nardong Putik matapos umalingasaw ang isang malansang amoy mula sa dagat Pasipiko. Lumabas ang kinatatakutang balyenang hangin. Ang balyenang ito ay naglalabas ng hangin na nakamamatay.
“Glade Power!!” sigaw ni Nardo at namatay ang balyenang hangin. Mabilis lag ang pagkamatay nito sa kadahilangang inaantok na ako at gusto ko na matapos ang kalokohang ito!

Umulan ng dugo!! Pinakawalan ito ng duwendeng itim. Tila nakilala ni Super Durna ang dUgo at hindi nga siya nagkamali ang dugo ay dugo ng kaniyang dating katulong na si Aling Bireng na namatay mataopos higupin ng dwendeng itim ang lahat ng dugo nito!! Grabe talaga!

Kapanapanabik ang bawat tagpo at hindi na ako makapaghintay!!

Heto na..

Dahil sa nagging taggutom sa ibabaw na daigdig ay inipon ng mga tao ang ulan ng dugo ni Bireng at ginawa itong dinuguan. Sa tulong ng kapangyarihan ni Super Durna bilang pagbibigay pugay sa dating katulong ay nagpaulan na rin sya ng puto. Nalunasan ang gutom sa daigdig.

Isang babae ang dumating kasama ng anim na unano at nakiusap na wag patayin ang duwende. Tinanong ng mga tagapagligtas kung bakit at napag alaman nila na na ang duwende ay si Sleepy at ang babae ay walang iba kundi si Snow White.
This is it!!

Ang pinakamakapangyarihan sa lahat!! Ang Aswang Wang Wang!!

“AHHHHooooooOOOOOOO!!!!”
“aAAAAaaaaaahhhhOOOOOOO!!!”

“Gaga! Heto ang bawang!!”

Namatay ang aswang at nakalaya na rin ang kaluluwa ng ina ni Posso matapos alipinin ng aswang ang kaluluwa nito.

Nailigtas ang mundo. Nagging people of the year ng Time Magzine sina Super Durna at Nardong Putik, nagging number one sa Forbes Magazine.

Nkakainspire na istorya at ditto natuldukan ang mga misteryo tungkol sa mga kababalaghan sa mundo.

No comments:

Post a Comment

what can you say about my blogs?

Search This Blog

Followers